Advertisers

Advertisers

Covid update: 1,190 bagong kaso; 2,759 gumaling; 309 nasawi

0 237

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,190 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Nobyembre 17.

Samantala ay mayroon namang naitalang 2,759 na gumaling at 309 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.8% (23,846) ang aktibong kaso, 97.5% (2,750,531) na ang gumaling, at 1.64% (46,117) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 15, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">