Advertisers

Advertisers

ARTA kumilos na sa hinaing ng truckers

0 239

Advertisers

Umaasa ang kasapi ng Confederation of Truckers Association of the Phils (CTAP) na magbubunga na ng magandang resulta ang ginagawa nilang truck holiday o truck rest day .

Ayon kay Mary Zapata, Presidente ng Aduana Business Club sa ika-apat na araw nilang ‘silent protest’ na itinuturing nitong ‘Thank You Caravan’ na kailangan na ang lahat ay magkaroon ng support system para sa ikagaganda ng trabaho sa Puerto.

Nitong hapon ng Huwebes, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang ilang opisyal ng gobyerno na pangungunahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Department of Trade and Industry (DTI) .



Kung sakali naman aniyang hindi maganda at paborable ang kanilang pagpupulong sa kanilang asosasyon, kanila itong pag-iisipan at pagpaplanuhang mabuti ang kanilang second tranche para sa kanilang susunod na gagawing hakbang.

Dadalo rin aniya ang PPA sa nasabing pagpupulong at umaasa silang madidinig na ang kanilang panalangin, narinig ang bawat panig at magkaroon ng magandang pagkakasunduan.

“Ang caravan namin ngayon, tuloy but we will be saying thank you for the effort of everybody and we will just continue but it will be a shortened because we would just like to give due respect for ARTA and other governmemt offices for the effort that they have done”, ani Zapata.

Sinabi ni Zapata na kabilang sa kanilang sinulatan at hiningan ng tulong ang ARTA, DTI, PESA, PPA, at ilang goverment offices tulad ng urban poor, si Sec. Jing Paras at Senator Bong Go.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">