Advertisers

Advertisers

Certificate of Authority para makapagsimula ng F2F classes, tinanggap ni Isko

0 107

Advertisers

“THIS is the new beginning.”

Ito ang mismong pahayag ni Manila Mayor at presidential hopeful Isko Moreno, matapos na pormal na tanggapin nila ni Universidad de Manila (UDM) president Dr. Felma Carlos-Tria ang “Certificate of Authority to Reopen Campus for the Conduct of Limited Face to Face Classes & Internship” (Certificate of Authority) para sa mga BS Nursing at BS Physical Therapy students na ipinagkaloob ng Commission on Higher Education (CHED).

Pinasalamatan ni Moreno si Tria at ang CHED-NCR Director, Dr. Virginia Akiate pati na ang university staff sa pagiging handa ng UDM sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa lahat ng kurso.

“Sa mga magulang, certified safe and compliant na po ang UDM kaya’t tiyak na ligtas ang mga anak ninyo,” sabi Moreno. Binigay naman nina Tria at Akiate ang kredito kay Moreno sa pagiging episyente nito sa pamamahala hindi lamang ng UDM kung saan siya ang Board of Regents chairman, kundi maging sa buong lungsod lalo na sa gitna ng pandemya.

Ayon kay ?Moreno, ang awtoridad na magsagawa ng face to face classes ay ibinigay ng CHED matapos na istriktong masunod ng UDM ang mga requirements na ibinaba ng parehong CHED at Department of Health (DOH).

Kabilang sa mga requirements ay ang retrofitting ng classrooms upang matiyak ang kaligtasan ng mga guro at estudyante sa ginta ng COVID-19 pandemic, tamang floor markings, class scheduling, regular sanitation, installation ng automatic alcohol dispensers at handwashing stations, QR code-based contact tracing, availability ng isolation tent at comprehensive manual ng iba’t-ibang protocols na may kinalaman kung paano lalabanan at pipigilan ang COVID-19.

Lahat ng ito, ayon kay Moreno ay gagayahin at ia-apply sa natitira pang programa ng UDM para muling pagkalooban ng pagsangayon ang pamantasan ng CHED para magsagawa ng limited face to face classes sa lahat ng kurso nito matapos na bumaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

“Rest assured that UDM and the City Government of Manila will continue to work hand in hand and strive to ensure that quality education will always be given to the youth of the City of Manila. Kami naman po ni Vice Mayor Honey Lacuna ay patuloy na magiging masinop at episyente,” sabi ni Moreno

Mula sa UDM, bumalik si Moreno sa kanyang tanggapan upang lagdaan upang maging batas ang Ordinance 8788 na lumilikha ng Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children, ito ay kaugnay ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women na nagsimula nitong Huwebes, November 25.

Sa nasabing council, si Moreno ang siyang magiging chairman habang si Vice Mayor Honey Lacuna ang vice chair at naatasan sa pagpapakalat ng impormasyon, pagsasagawa ng education at advocacy campaign sa human trafficking and violence against women and children.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, ang Council ang siyang gagawa ng polisiya at programang mangangalaga sa mga kababaihan at mga bata na biktima ng trafficking at karahasan.

Lilikha din ito ng mga polisiya at programa na magbibigay proteksyon sa kababaihan at mga bata na biktima trafficking at gender-based violence. Gagawa din ito ng surveillance, investigation at rescue upang matiyak ang epektibong koordinasyon. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More