Advertisers

Advertisers

Tambalan dapat ang pagboto

0 291

Advertisers

OO! Dapat tandem ang pagboto ng presidente at bise presidente. Bakit?

Marami na kasing pagkakataon ang nagpapatunay na ang pagboto ng presidente at bise presidente galing sa magkaibang tambalan ay hindi nagbubunga ng magandang samahan sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan. Mismo!

Katulad nalang ng nangyayari sa kasalukuyang admi-nistrasyon. Kung nagkakasundo ang presidente at bise presidente, hindi ba’t mas nakapokus ang dalawang mataas na lider sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko kesa punahin ang isa’t isa?



Kaya tulad sa Amerika na tandem voting ang pinatutupad, dapat dito sa Pilipinas ay pag-isipan na ng mga botante ang pagpili ng presidente at bise presidente na may iisang sinusulong na plataporma. Para talagang masasabi na may pagkakaisa at solido ang pamamahala.

Kung sa pagkain puwede tayong mag-eksperimento ng iba’t ibang sangkap para magkaroon ng bagong lasa o kaya sa pananamit puwedeng mag-mix and match para maiba ang porma, pagdating sa pagpili ng kandidato ang ganitong paraan ay nagreresulta lang ng mismatch o hindi pagkakatugma. Peksman!

May tambalan naman sa mga politiko pero tila hanggang eleksisyon lang. Gamitan para umangat at makahakot ng suporta. Pag-upo sa puwesto, dedmahan uli. At kung maupo ang mga kandidato na galing sa magkaibang kampo, madalas pa na humahantong ang role ng bise presidente sa tila pagiging ‘reserba’ lang.

Dito na ngayon nagsisimula ang gusot sa mismong dapat mamuno sa atin. Kaya kailangan talaga ng tandem voting dahil magkapareho nga ng agos ang kanilang mga plano para sa ikabubuti ng bansa.

Parang sa sayaw, pagka ang mag-partner pareho ang galaw mas suwabe ang performance.



Dito may lamang ang tambalan nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at Nationalist People’s Coalition chairman Vicente “Tito” Sotto III, na base rin sa obserbasyon ng political analyst ay kapwa pinakahanda para sa posisyon ng presidente at bise presidente. Mismo!

At napatunayan ito sa katatapos lang na survey kung saan lumabas na sina Lacson at Sotto ang pinakamahigpit na kalaban ng inaasahan nang tambalan ng mga anak ng dati at kasalukuyang presidente.

Ngayon, ang hamon sa atin ay sipatin ang mga kandidato. Sino ba ang talagang handa simula pa sa umpisa? ‘Yung walang eme-eme, hindi madrama, at seryoso ang agenda. Lacson-Sotto!!!

***

Marami ang nag-iisip ngayon tungkol sa inanunsyo ni presidential aspirant Senador Bong Go nitong Huwebes na tila gusto na niyang umatras sa kanyang kandidatura para raw wala nang masasaktan sa pagitan ng kanyang “boss” Pangulong Rody Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Pangulong Duterte kasi ang nagsusulong sa kandidatura ni Bong Go, habang si Sara naman ang Bise Presidente ni Bongbong Marcos.

Ito ang dahilan kaya panay ang atake ngayon ni Digong kay Marcos. Pati si Sara ay kanyang pinatututsadahan. Saklap!

Pero aatras nga ba si Bong Go? Tingin ko ay hindi, ma-liban nalang kung atasan siya ni Pangulong Digong na ibigay nalang kay BBM ang laban. Mismo!