Advertisers
KAMAKALAWA ipinakita ni LeBron James sa game kontra Indiana kung sino ang hari. Sa overtime win nila ay nakapagtala si King James ng 39 na puntos, 5 na rebound, 6 na assist at 1 steal. May 5 pa siyang tres na naibuslo sa mga huling minuto ng regulation at extra na mga sandali.
Kahit 37 na anos na sa Disyembre ang numero 6 ng Lakers ay ipinamalas niya na matagal pa siya malalaos.
Kaso dapat ay mas consistent kanilang paglalaro. Hindi pwede ang magaling ngayon, bukas ay palpak.
Pang siyam sila sa standings bago ang laban kontra Sacramento at 7 na laro behind sa lider na Golden State sa Western Conference.
Kailangan ay sunud-sunod nila ang W upang makahabol.
Yaka naman eka ni Ka Berong kung makumpleto parati ang line-up. May mag injury, nasuspindi at may sakit ang iba kasi,
***
Ayon sa ating ibong bubwit ay natuloy ang photo-op noong Miyerkules ng mga kakampink sa loob ng kumpanyang San Miguel sa headquarters nila sa Mandaluyong.
Bale ito na ang ikalawang linggo na kanilang simpleng paggunita ng Araw ng Kalimbahin. Ibig sabihin ay hindi sila naabutan ng memo mula sa itaas.Tolerated ni RSA?
Gaya nang nabanggit natin dati ay mas bilib tayo sa mga empleyado kay sa mga manlalaro ng higanteng korporasyon.
Paano higit na matapang at mas nasa tamang pag-iisip ang mga kawani sa kanilang pagkilos para sa bayan.
Samantala tahimik lang ang mga basketbolista nila sa pro league. Wala ba balls ang mga Beermen. Wapakels ba sina JuneMar Fajardo at mga team mate? Baka pinipigilan ng kanilang boss sa sports?
Kung sa bagay ay wala ring ibang koponan ang may lakas ng loob lumantad hinggil sa ating socio-politikal na sitwasyon.
Nguni’t dapat natin ipaalala na mga Pinoy din sila na may obligasyon sa bayang sinilangan o kinalakihan Yun palang aksyon na tinutukoy natin ay kabilang sa larawan ang staff ng beer division. Mayroon din daw ibang business units kwento ng ating source.
Gising mga idolo sa PBA!