Advertisers

Advertisers

Official website campaign ni Isko Moreno inilunsad!

0 3,767

Advertisers

PUSPUSAN na ang isinasagawa ng mga tagasuporta ni MANILA MAYOR at pambato ng AKSIYONG DEMOKRATIKO bilang PRESIDENTIAL CANDIDATE si FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO na inilunsad nitong nakaraang November 25 ang kanilang OFFICIAL CAMPAIGN WEBSITE.

Ang naturang website ay ang “Tayosiisko.com” na inilunsad sa pangunguna ni MORENO sa isang VIRTUAL.MEET AND GREET SESSION kasama ang kaniyang mga tagasuporta at ang kanyang running mate na si DR. WILLIE ONG.

Inaasahan ng mga tagasuporta na ang “Tayosiisko.com” ang magiging ONLINE PLATFORM ni MORENO na makikita rito ang mga impormasyon patungkol sa kandidatura nito bilang susunod na PHILIPPINE PRESIDENT.

Sa pamamagitan ng ZOOM link ay pinasalamatan ni MORENO ang kaniyang libu-libong tagasuporta na dumalo, maging ang kanyang running mate na si DR. ONG at SENATORIAL SLATE ng DEMOCRATIC ACTION PARTY.

“Maraming salamat sa inyong paghahanda, mga bagay na sabay-sabay na ginagawa sa buong Pilipinas. Tuloy tuloy lang kami. Kami ay palaging diretso sa mga tao, ”pahayag ni Moreno.

“Alam ko, karamihan sa inyo, kayo ang gumagastos. May pera ka, nag-iipon ka, nagtatrabaho ka, gumagastos ka sa amin. Ang iyong oras, ginugugol mo sa amin. Yung effort mo. […] Balang araw, ang tanging bagay na maaari kong gawin bilang kapalit ay hindi kita ipapahiya,” pagpupunto ni MORENO.

Sa galawan ngayon ng mga kumakandidato sa magiging sunod na PHILIPPINE PRESIDENT ay kakikitaan na ng higit na pagdami ng mga sumasalubong kay ISKO MORENO… ika nga, habang dumadaan ang mga araw ay dumadami ang bulto ng mga taong gustong makaharap ang isa sa kanilang iniidolo at inaasam sa katauhan ni MORENO ang sinserong panunungkulan.., lalo na sa pagsugpo ng katiwaliang matagal nang inaasam ng sambayanan na mapuksa ay kay MORENO nila nakikita ang kapag-asahan.., para sa tunay na pagbabago ng lipunan.

Mga ka-ARYA.., may mga senyales tayong nakikita, dahil nagkakagulo ang grupo ng mga sinasabing magiging matinding magkalaban para sa PRESIDENTIAL ELECTION 2022 ay maraming mga grupo na nakapaloob sa mga sinasabing nangunguna ngayon sa mga survey…, na magbabago ang kanilang.mga pananaw dahil nakikita na nila ang magandang plataporma ni MORENO.., kaya aabangan natin mga ka-ARYA na, ang mga susunod na buwan ay biglang may malalaking organisasyon ang magsisilipat sa hanay ni MORENO!

— 000 —

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More