Advertisers

Advertisers

MSMEs BUBUHAYIN, PASISIGLAHIN NG GOBYERNONG ISKO

0 447

Advertisers

TUTULARAN ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang matagumpay na “Sugbo Negosyo” sa Cebu upang mabuhay at mapasigla ang micro small medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Inihayag ito ng kandidatong presidente ng Aksyon Demokratiko kasunod ang paghanga kay Governor Gwendolyn Garcia na nagpasimula ng sikat na “Sugbo Negosyo” sa Cebu.

Isang magandang negosyo ito, sabi ni Yorme Isko at kanyang gagayahin kung suwertehing manalong presidente sa 2022.



“Gov. Gwen’s Sugbo Negosyo is a brilliant and doable idea which is similar to what I plan to do when I become president. I would encourage the LGUs (local government units) to help business particularly MSMEs recover and sustain jobs and livelihood,” sabi ni Yorme Isko.

Marapat lamang na tulungan ang maliliit na negosyo na pininsala ng pandemyang COVID-19 at tama lamang na tularan ang ginawa ni Gov. Garcia na kumilos upang makatayo at makabangon ang MSMEs sa Cebu.



“Kailangan nating gayahin si Gov. Gwen sa ginawa niyang pagbuhay sa Sugbo Negosyo. Kailangang magtulungan ang lahat at magkaroon ng gobyerno, lokal at nasyonal, na masasandalan ang tao,” paliwanag ni Isko.

Inilunsad noong Agosto 2020 ang Sugbo Negosyo at ito sa kasalukuyan ay dumami sa 8,000 entrepreneur sa buong lalawigan ng Cebu.



Simula ngayong 2021, naglaan ang pamahalaang lalawigan ng Cebu ng P100-milyong badyet para sa ikalawang pagtatayo ng Sugbo Negosyo, para mabigyang puhunan ang maliliit na negosyante ng lalawigan.

Isang modelong dapat na tularan ng mga lokal na pamahalaan ang ginawa ni Gov. Garcia, sabi ni Yorme Isko.

“Buhay at Kabuhayan. Yan po ang aking pinagtuunan ng pansin sa Maynila. Yan din po ang aking prayoridad sa bansa kapag palarin tayo,” sabi ng kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko.

Aniya pa, malaki ang maitutulong sa paglago ng ekonomya ng mga lokal na pamahalaan sa matatanggap na dagdag na salapi bunga ng Mandanas ruling ng Supreme Court.

“Sa Maynila, isinalya ko yung 10 years na additional kita sa Mandanas ruling para sa build, build, build: build more housing, more hospitals, more modern public schools and many others that provided more jobs during the pandemic. Umikot ang komersyo, maraming nagkatrabaho,” sabi ni Yorme Isko.

Pinagaan din niya ang paraan ng pagkuha ng permiso at magaang pagbabayad ng buwis sa mga negosyo sa Maynila, na ito ay bahagi ng kanyang Bilis Kilos 10-point agenda sa layuning makahikayat sa mga Pilipino na magnegosyo.

Nasa 99.5 percent ng negosyo sa bansa ay mula sa MSMEs at ang natitirang 0.5 percent ng 4,761 ay malalaking negosyong pag-aari ng oligarkong Pilipino.

Ayon kay Yorme Isko, kailangang palakasin ang maliliit na negosyo at dagdagan ang pondo mula sa dating P1.5 bilyon, gagawin niya itong P30 bilyon kung siya ang mananalong pangulo sa 2022.