Advertisers
SA limang top presidentiables, si Senador Manny Pacquiao ang pinakamayaman habang si Vice President Leni Robredo ang pinakamahirap, base sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Si Pacquiao ay mayroong halos P3 bilyong kayama-nan hanggang noong Disyembre 2020, hindi pa kasama rito ang kanyang kinita sa huling laban kontra Yordenis Ugas noong August 2021.
Sa laban kay Ugas, halos isang bilyon din ang kinita ng ating Pambansang Kamao.
Kaya kung gumastos man ng daan-daang milyon hanggang bilyong piso si Pacquiao sa kanyang kampanya, ito’y sarili niyang pera mula sa pakikipagbugbugan sa ibabaw ng ring.
Matalo man si Pacquiao sa presidential derby nga-yon, marami naman siyang napasaya, nabusog sa mga ipinamamahagi niyang “ayuda” na cash at food packs!
Sa mga survey, malayo si Pacquiao sa mga nangu-ngunang sina Bongbong Marcos Jr., Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson at Manila Mayor Isko Moreno.
Ang naging pintas lang kay Pacquiao kaya mababa siya sa mga survey sa presidentiables ay ang kanyang edukasyon, pero hindi siya magnanakaw o korap!
Balik tayo sa SALN, kung si Pacquiao ang richest sa top presidentiables, si Robredo naman ang may pinakamababang net worth na mayroon lamang P11,904,280.00.
Si VP Leni ay biyuda ni late DILG Secretart Jessy Robredo, ang isa sa pinakamalinis na miembro ng ga-binete ng nakaraang PNoy administration.
Bago naging kongresista ng Camarines Sur noong 2013, si Leni ay nagsisilbing abogado ng mahihirap. Isa rin siyang ekonomista na nagtapos sa University of the Philippines (UP).
Sa pagkahalal niya bilang ikalawang pangulo ng bansa, si Leni ay hindi binigyan ng puwesto sa gabinete ni Duterte. Ang pondo ng kanyang opisina ay tama lang pangsueldo sa kanyang staff at pambili ng mga gamit sa tanggapan. Pero nagawa niyang makapaglunsad ng mga proyekto at social services sa pamamagitan ng mga tulong mula sa pribadong sektor.
Si Robredo ang tanging opisyal ng gobierno na nabig-yan ng highest rating ng Commission on Audit (CoA) mula 2016 hanggang nitong 2020.
Ang ginagastos ngayon ni Leni sa kanyang kampanya ay puros donasyos ng kanyang mga kapartido at ang mga sumasama sa kanyang caravans ay puros bo-luntaryo. Ang tawag sa kanilang grupo ay kakamPINK dahil ang political color nila ay PINK!
Sa mga nasabing presidentiable, si Robredo lang ang abogado. Abogado rin ang kanyang running mate na si Senador Kiko Pangilinan na pumapangalawa sa mga survey.
Sigurado ako, alin man kina Pacquiao at Leni ang palarin ay nasa mabuting kamay ang Pilipinas. Kasi nga wala silang bahid ng korapsyon.
Si Senador Lacson ay wala ring rekord ng katiwalian. Isa siya sa iilang senador na hindi kumukuha ng multi-million piso pork barrel sa Senado.
Si Lacson lang din ang naging Chief PNP na nakatanggal sa kotong noon. He’s a great public servant. Di obra ang mga kriminal sa kanya. Pramis!