Advertisers

Advertisers

Bong Go: State of calamity sa Odette-hit areas iuutos ng Pangulo

0 273

Advertisers

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go ang buong suporta ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao nitong December 16.

Sa panayam sa kanya matapos ang distribusyon ng mga tulong sa pandemic-hit residents ng Barangays Pampanga at Hizon sa Davao City, sinabi ni Go na ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng state of calamity sa lugar na winasak ng kalamidad.

Ito aniya ang magpapabilis sa rescue, relief, at rehabilitation efforts ng pamahalaan at ng pribadong sektor, kinabibilangan ng international humanitarian assistance.



Sa pamamagitan ng state of calamity ay magkakaroon din ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin at maipoprograma ng Pangujlo ang mga pondo para sa repair at safety upgrading ng pampublikong empraestruktura at pasilidad, paggamit sa Quick Response Fund ng LGUs at iba pa.

“Ngayon po ay ine-expect natin na pipirmahan ni Pangulong Duterte po itong state of calamity sa mga affected areas para mapabilis ang tulong mula sa gobyerno at magamit kaagad nila ‘yung kanilang pondo. Lalung-lalo na po ngayon talaga apektado ‘yung national government pondo dahil ginagamit po sa COVID response,” sabi ni Go.



Sinabi ng senador na inatasan na ng Pangulo ang mga concerned agencies na kumalap ng karagdagang P2 billion para sa calamity funds ng mga apektadong local government units at ahensiyang may kinalaman sa relief at rehabilitation.

“‘Yung calamity fund ng Pangulo, ubos talaga. Ginamit sa pambayad sa COVID response. At naghanap po ng paraan ang ating Pangulo na maglaan po ng two billion para sa calamity fund at magdagdag pa siya ng another two billion as contigent fund…,” ani Go.



Ayon kay Go, krusyal din sa ngayon na matiyak ang mga tulong na pagkain at tubig maging ang kagyat na pagpapanumbalik ng koryente at telekomunikasyon sa mga lugar na winasak ng bagyo.

“Importante ngayon pagkain, tubig, restore normalcy kaagad. Return to normalcy ang importante dito, makabalik kaagad tayo sa normal na pamumuhay. Mahirap mag-Pasko na walang tubig, walang kuryente, walang makain,” ani Go.

“Sa totoo lang po, kami ay nalulungkot. Sumisikip ang aking dibdib hanggang ngayon, sumisikip ang aking dibdib habang umiikot kami kapag nakikita mo ‘yung mga kababayan na nanghihingi ng tulong.”

“I am appealing for help po kung pwede niyong matulungan mga kababayan (natin). Magtulungan po tayo, mag malasakit at magtulungan, magbayanihan po tayo sa isa’t isa,” dagdag ng senador.