Advertisers
NADAGDAGAN ng 68 kaso ng firecracker-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) hanggang 6:00 ng umaga nitong Linggo.
Dahil dito, umabot na sa 153 ang kabuuang bilang ng firecracker-related injuries sa bansa, mas mataas ng 32% kumpara sa 116 naitala sa kaparehong panahon noong 2020.
Samantala, 39% o 50 sa mga kaso ay naitala sa Metro Manila; tag-22 sa Region I at Region VI; 12 sa Region 3; tag-6 sa Regions V, VII at BARMM; tag-5 sa Region II at Calabarzon; 4 sa Region XII; 3 sa Cordillera Administrative Region at tag-isa sa Region IX at XI.
Sa 153 biktima ng paputok, 113 o 74% ay mga lalaki.
Kabilang sa top five firecrackers na nagdulot ng injury ay kwitis, 35 cases; boga, 15; luces, 12; triangle, 10 habang 24 kaso mula sa hindi kilalang fireworks.