Advertisers
DAPAT umanong sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang linggo ang mga hindi bakunadong manggagawa o empleyado na sarili nilang gastos.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, mahalaga ang paghahanapbuhay kaya’t papayagan pa rin ang mga hindi bakunado na pumasok sa kanilang trabaho.
Gayunman kailangan aniyang sundin ang inilabas na patakaran ng IATF upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Nilinaw naman ni Abalos na pilot implementation pa lamang ang ipinatutupad na paghihigpit sa mga hindi pa bakunado.
***
Samantala umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa Pamahalaan na dapat tiyaking walang malalabag na karapatang pantao sa sandaling higpitan na ang galaw ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie de Guia, batid naman nila ang pangangailangan na mapigilan agad ang pagkalat ng virus upang makabalik na sa normal ang pamumuhay ng bawat isa, subalit hindi pa rin anila dapat sumobra sa itinatakda ng batas ang mga paghihigpit na kanilang ipatutupad.
Sa panig ng Philippine National Police o PNP, tiniyak ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos na mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance at pantay din anila ang magigig pagtrato sa lahat.
Una nang napagkasunduan ng Metro Manila Council na kailangang manatili muna sa bahay ang mga hindi pa bakunado kontra sa virus maliban kung ito’t essential o lubhang kinakailangan Giit ni Carlos, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga health protocols gayundin ang pagbabantay sa mga itinalagang quarantine facilities.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!