Advertisers
SA 2-taong pag-iral ng COVID-19 sa ating daigdig ay hindi lamang kabuhayan ng karamihan ang mistulang nalusaw kundi maging ng mga MANANAMPALATAYA ay nilusaw at nagawang mabuwag ang pananampalataya ng mga maka-DIYOS, sa halip ay nabaling ang pananampalataya ng mga ito sa bisa ng bakuna.
Ang WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) katuwang ang lahat ng mga opisyales ng mga bansa ay ginigipit at tinatakot ang sambayanan para mapuwersang magpabakuna ang lahat.., proteksiyon laban sa COVID-19 , subalit wala ring bisa dahil tinatablan pa rin ng hawaan kaya kailangan panibagong bakuna na naman at booster shot pa.., presto kikita ng husto ang mga vaccine manufacturer.
Ang COVID-19 ay pinalalabas na napakadelikadong sakit dahil mabilis itong makapanghawa at may mga namamatay.., pero analisahin nating maige ang sitwasyon base sa mga datos na nakakalap ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na simula nang manalasa ang pandemya ay mayroon lamang 1.81% o 51,586 ang nangamatay dahil sa COVID batay sa tala nitong January 3, 2022 alas-4:00 ng hapon.
Sa naturang datos ay napakaliit na porsiyento ng epekto kung ikukumpara natin sa kabuuang papulasyon natin na mahigit sa 111 milyon-katao ay nangangarag na ang mga GOVERNMENT OFFICIALS gayong napaka-minimal ang epekto.., pero, bakit kaya hindi nangangarag ang mga opisyal sa HEART DISEASE na 20% ang namamatay?
Nangangarag para may rason na mapuwersa ang lahat ng mamamayan na magpabakuna at para mapuwersa ang mamamayan ay pinagkaisahan pa ng METRO MANILA COUNCIL, na ang lahat ng mga ayaw magpabakuna ay hindi maaaring magsilabas sa kanikanilang mga bahay?
Sa isang fb post ni PUBLIC ATTORNEYS OFFICE CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA ay DISCRIMINATORY, OPPRESSIVE at UNCONSTITUTIONAL.., na pumapatungkol ito sa panggigipit sa mga ayaw magpabakuna.
Ang masaklap, pati mga MANANAMPALATAYA ay nasubok ang kanilang paninindigan tulad na lamang ng mga nagsisipangaral ng BIBLIYA.., mga EVANGELIST, PASTOR, BISHOP, PARI, MINISTER, REVEREND ay nauga ang kanilang FAITH.., nagduda sa kanilang pinaniniwalaang DIYOS at nabaling na ang kanilang FAITH sa vaccines.
Ang tunay na nananampalataya sa DIYOS ay hindi mababago ang kaniyang paninindigan at kahit anong mangyari ay sa kaniyang DIYOS lamang magtitiwala para sa kaniyang buhay.., tulad sa mga kasaysayan sa BIBLIYA na ang mga MANANAMPALATAYA ay hindi nabago ang kanilang paninindigan sa harap ng peligro.., mangahulugan man sa kanilang pagkapahamak na igagawad ng mga personalidad na nagnanais baliin ang FAITH ng mga mananampalataya.
Ang ARYA ay sumasaludo sa lahat ng mga TUNAY NA MANANAMPALATAYA na anumang panggigipit ngayon ay nananatili ang kanilang paninindigan sa DIYOS na kanilang sinasampalatayanan.., na dapat, ang GOVERNMENT OFFICIALS ay magbigay respeto sa paninindigan ng bawat indibiduwal.., dahil ang COVID-19 ay hindi peligro kumpara sa HEART DISEASE
Sa hanay ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) ay dapat maging maka-tao ang kanilang pagtrato sa mga sitwasyon.., igalang o irespeto ang paninindigan ng bawat indibiduwal at huwag ang pagsikil dahil kung tutuusin ay hindi ganun kapeligro ang COVID-19.., wala pang 2% ang namamatay magmula nang manalasa ang virus hanggang nitong January 3 gayung ang HEART DISEASE ay nasa 20% ang namamtay pero hindi ikinangangarag ng mga opisyal!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.