Advertisers
Upang matutukan ang paglaban sa kasalukuyang ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 na posibleng dulot na umano ng Omicron variant, ang ‘listening tour’ ni Manila Mayor at Presidential bet Isko Moreno Domagoso ay ititigil muna.
“Naka-focus tayo dito sa pandemic ngayon, itong surge. Kasi kailangan maagapan natin ito kaya hinahanda ko ang ating lungsod at ating mamamayan. That (‘Listening Tour’) will come later,” pahayag ng alkalde sa kanyang pag-inspeksyon sa Araullo Quarantine Facility.
Ayon sa presidential aspirant, maraming tao, kabilang ang mga doctor at nurses at medical frontliners ang mabilis na nahahawaan ng virus kaya kailangan ngayon ngas mabilis ang kilos.
Binuksan naman ng pamahalaang lungsod ang 12 quarantine facilities sa para doon dalhin ang mga health workers na naimpeksyon para sa mabilis nilang pagrekober.
“So nananawagan po ako, magpabakuna na kayo. Pag hindi po kayo nagpabakuna darating ang araw, ilang oras ngayon o ilang araw ngayon o linggo ay pahigpit ng pahigpit ng pahigpit ang magiging regulasyon sa unvaccinated,” panawagan ni Moreno.
Nanawagan din ito sa publiko na maging responsable para sa pamilya at sa kapwa.(Jocelyn Domenden)