Advertisers
NAMUMUKOD tangi ang BAGUIO CITY na bumabalewala sa ibinabang kautusan ng IATF at Malakanyang.
Bakit ko nasabi?
Kahit may banta ng OMICRON VARIANT ay nagsisiksikan ang mga mananaya o sugarol sa lungsod ni Mayor Benjamin Magalong.
Sa kabila ng pagsasara sa mga turista, ay hindi man lamang ipinasara o sinasalakay ng Baguio City Police ang kabi-kabilang sugalan.
Ang tinutukoy natin ay ang mga local gambling operator sa lungsod, Mga nag-ooperate ng magdamagang ilegal na sugal.
Totoo, sarado ang Baguio City sa mga turista at bakasyunista pero BUKAS pamorningan ang mga pasugalan sa lungsod ni Magalong para sa sugarol.
Ayon sa source, tuloy pa rin ang operasyon ng mga magdamagang sugalan kahit na masasabing isa sa mitsa ng pagkakalat ng COVID-19 ito?
Ayon sa info, magdamagang palarong drop ball ni alyas Nestor sa Kayang St. na wala pang kalahating kilometro ang layo sa tanggapan ng PCP ang sugalan ni alyas Nestor.
Sa Plaza inuumaga ang drop ball ni alyas Toyoy. Habang ang Magsaysay Avenue, dikit-diket ang mga mananaya ng drop ball na ino-operate ng mag-partner na alyas Edna at alyas Jimmy.
Kung sugalan naman ang pag-uusapan hindi rin nagpapatalo ang ‘untouchable’ na si alyas Patrick sa kanyang magdamagang mini casino montehan, baklay at sakla sa Legarda Road, na ilang hakbang lang ang layo sa Baguio City Hall at istasyon ng pulis.
Yes, lahat yan nasa city proper at walking distance.
Oh ayan IATF at NTF, sarado pansamantala ang Baguio City sa mga turista pero ang iligal na sugal pamorningan.
Bagamat, may kautusan na si Mayor Magalong – na salakayin ang mga ito dahil sa ayaw niya ng mga ilegal na negosyo ay sinalakay naman ito ng kapulisan…Pero ang tanong, ano nangyari!?
Sa kabila ng paghihigpit ng administrasyong Duterte dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 ay tila pinagtatawanan lamang sa Baguio City ang naturang kautusan kung saan patuloy na nagkukumpolan at dikit-dikit na tumataya ng mga pinagsamang sugal na Monte, Sakla, Drop Ball Baraha, Baklay, Karakas, Terembe, Beto-Bito at Color Games na matatagpuan sa pusod ng palengke ng lungsod na katabi lang mismo ng Barangay Hall ng Kayang, Hiltop, Rizal, Magsaysay sa mismong Terminal ng Jeep, sa tapat mismo ng Rural Bank Cariño Street corner Otek Street, Rizal Monument, Burham Park, at itong nasa under ground na mini casino montehan samay Legarda Road sa may Batawa Resto Bar at Bokawkan Road na pinamumugaran ng mga adik, tulak at mga biyaherong manunugal na mga adik sa sugal at ilang turistang banyaga na minamantini ng mga untouchable na alyas Patrick, Oldak, Josie, Ka Nestor, Biagtan, Budah, Andy, Paul, Bilog at Edna na binabantayan ng mga naka sibilyang indibidwal namay mga nakasukbit na baril sa tagiliran.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!