Advertisers
MARAMING bakit ang naririnig ko sa bawat sulok na pag-iikot ko nitong nagdaang Linggo sa Maynila.
Sabi nila, bakit si Atty. Alex Lopez (Official Manila Mayoralty Candidate ng Partido Federal ng Pilipinas) ang dapat maging Alkalde ng Maynila sa 2022 election?
Semplehan lang natin ang sagot!
###
KAILANGAN natin si Atty. Alex sa panahon ngayong bagsak ang ating mga kabuhayan. Ang kanyang kredensyal at kakayahan ay hinde matatawaran, siya ay isang matagumpay na negosyante, abogado, ekonomista, at builder.
Sa pagkakalugmok ng ating Lungsod sanhi ng pandemya, kailangan natin bumangon. Sumulong at umangat.
Ang covid hayaan na natin sa bakuna, ang Maynila ibigay natin kay Atty. Alex!
EKONOMISTA ANG KAILANGAN NATIN HINDI DERMATOLOHISTA
ECONOMIC wise, si Atty. Alex ang kailangan ng Maynila upang makabangon sa pagkakadapa ang Lungsod na ngayon ay baon sa utang (P15 Bilyon ang utang!).
Ang kanyang managerial expertise para maresolba ang maling prayoridad na ginawa ng mga opisyales ng Lungsod na mas pinili ang pagpapatayo ng gusali kesa sa buhay at kabuhayan ng Manileno?!
Tsk…aanhin mo ang damo, kung patay na ang kabayo!
###
ANG kailangan ng Maynila ay mga investors o negosyo na makakalikha ng maraming trabaho sa Manileno, hindi cosmetology ng isang dermatologist.
Ang plataporma ni Atty Lopez na tax-free para sa mga bagong negosyo papasok sa Maynila kapalit ang pagbibigay naman ng empleo (80% dapat mga Manileno); pagpapautang ng mahigit P20k to 50K sa mga SMEs; ang pagkakaroon ng moratorium sa pagsisingil ng parking fee na kinukuwestyon ngayon ng maraming motorista dahil sa overcharging; mga anomalya sa non-contact apprehension (NCAP) at iba pa kapalpakan sa likod ng Bilis-Kilos
Hindi kaya, Bilis-Nakaw ‘yan?!
ATTY. ALEX LOPEZ IS ‘DA BEST!
KAUNTI personal background lang kay Atty. Lopez, siya ang nasa likod ng matagumpay na negosyo ang Pacific Concrete at 11 pang korporasyon na nagpagawa ng mga expressway, airports, housing at iba pa sa buong bansa.
Siya ang panganay na anak ni dating Manila Mayor Gemilano “Mel” Lopez na naging private secretary at nasa likod ng maayos na financial stability ng city hall mula sa nadatnan nila P700M pagkakautang noon ng pinalitan nilang administrasyon.
Utang na naman, parang déjà vu lang ah?!
###
SI Atty Alex ang brainchild sa mga nagawa proyekto ng kanyang Ama kaya naman sa loob lamang ng 11 buwan nila noon sa city hall ay nakapag-patayo ang mag-ama Lopez ng 21 ekswelahan, naisaayos ang relokasyon pabahay ng mga iskwater na pangunahing problema noon sa Maynila (tinatawag ngayon mga informal settlers).
Parekoy, kuilang ang espayo natin kung ikukuwento ko lahat ito!
GANITO KAMI NOON, BAKIT GANITO PA RIN KAMI NGAYON?
NGAYON na sa’yo na parekoy ang desisyon kung kailangan mo pa itanong sa akin kung bakit si Atty. Lopez ang dapat maging Alkalde ng Maynila, kumpara sa kanyang katungali dermatologist turn politician na supladita ang kustombre. Makataong Pagbabago ang kailangan natin sa ating minamahal na Lungsod.
Mahigit 33 years na sila sa city hall, (halos ginawa na nilang negosyo ang politika), walang naman nabago maliban sa mga physical infrastructures na hindi naman direktang nakatulong sa Manileno ngayong panahon ng pandemya. In short, anyareee?!
Kaya tayo dapat ang magtanong sa ating sarili: BAKIT GANITO PA RIN SA MAYNLA?!