Advertisers

Advertisers

Resibo

0 591

Advertisers

ITO ang aking unang lathalain sa pahayagang ito. Ang tayangtang ay isang bangko na kadalasan nakikita sa labas ng mga tindahan, barberya at mga pondahan. Ito ay pahingahan ng mga kababayan bago at pagkatapos ng kanilang paggawa sa bukid, karagatan, opisina, at pagawaan. Dito sila nagtitipon-tipon para pagsaluhan ang baon na pagkain. Lugar ang tayangtang ng huntahan kung saan nagpapalitan ng kuro-kuro, balita, tsismis, at kung ano-anong kaganapan sa maghapong nagdaan. Samakatuwid, ang munting tayangtang ay isang bukluran kung saan ang nangyayari ang palitan ng mga ideya at opinyon habang humihigop ng kape, tsaa , salabat, o isang boteng serbesa bago umuwi at magpahinga. Nagpapasalamat ang abang kolumnistang ito sa mga nagtiwala sa akin upang magpahayag ng aking kuro-kuro.

***

Matindi ang pintakasing nagaganap sa Comelec. Nandoon kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang atensyon g publiko dahil nasa balag ng alanganin ang kanyang kandidatura bilang pangulo ng bansa. Matapos hindi magpakita sa public hearing ng Comelec at isnabin ang Comelec division na pinamumunuan ni Commissioner Rowena Guanzon, sinabi ng abogado ni Marcos ai Atty. Hannah Barcena na masama ang pakiramdam ng kanyang kliyente. Nang hingin ni Commissioner Guanzon ng medical certificate, sinabi ng tila natarantang abugada na ginagawa pa ito. Sa maikli, walang napakitang medical certificate.



Pero nang tanungin ni Commissioner Guanzon bakit hindi man lang nagpakita si Mr. Marcos kahit man lang sa Zoom, agad sumagot si Barcena na “takot si Marcos na baka may mahawa sa Covid.” Ani Barcenas, binayaran na ni Marcos ang kanyang obligasyon sa BIR. Nang hingin ni Commissioner Guanzon ang opisyal na resibo galing sa BIR, walang mapakita ang abugada. Maliwanag ang delaying tactics ng kampo ni Mr. Marcos. Pilit na isinasakay ang taongbayan sa paikut-ikot na tiubibo.

Maliwanag na maliwanag ang motibo nila.



Tagilid si Mr. Marcos at malamang mapawalang-saysay ang kandidatura niya.

Pero marami ang naniniwala na aapela ang kampo ni Marcos at dadalhn ang kaso sa Korte Suprema. Ang agarang pag resolba sa kaso ni Marcos, base sa nakasaad sa Omnibus Election Code ay napakahalaga. Sa kaso ni Marcos, ito ang sinabi ni retiradong mahistrado ng Kataastaasang Hukuman Antonio Carpio:



“Bongbong Marcos is still a certified convict, who is disqualified to run for president of the Philippines, to vote, and to participate in any election in the country”

Bagay na kinatigan ni Atty. Howard Calleja:

“Marcos Jr. Is guilty of a violation of the tax code, and this final judgement, by law, carries with it not just the two spelled out liabilities, but also, perpetual disqualification from holding public office, whether appointive or elective. Of this, the facts and law are clear- whether or not he has indeed paid his dues.”

Maliwanag pa sa sikat ng araw na diskwalpikado si Mr. Marcos na tumakbo sa anumang halalan at nararapat, ayon sa nakasaad sa batas, na kanselahin ang kanyng COC.

Harinawa, manaig ang katotohanan, at kung umabot man ito sa Korte Suprema, magiging maliwanag sa bawat mahistradong nakaluklok doon, na may malaking obligasyon sila sa mamamayang Pilipino na huwag patagalin ang kasong ito. Dahil ang mga agam-agam at pagduda na bunga ng kaso ni Mr. Marcos ay hindi dapat ilihis ang atensyon ng stumbayanan sa mga mahahalagang isyung pambansa, at kung sino sa mga kandidato ang may konkretong soluyon.

Ito ang importante.

Ito ang dapat na basehan sa pagpili sa susunod na magtitimon ng bansa. Ngunit sa tiyubibong hinahanda ng kampo ni Mr. Marcos walang babaan. Harinawa, sa kalaunan, hindi tayo mauuwi sa pagiging hilong-talilong.

Kasihan nawa tayo ng Poong Kabunian.

xxx

Mga Piling Salita: “The suspension of Atty. Larry Gadon is a victory for those of us who care much about teaching our chidren the right and proper manners.” – Zia Alonto Adiong

“…the Marcos heir myth is built on a sand castle of untruths.” – Manolo Quezon

“TAON 2022, malamang tumuloy ang formal investigation ng ICC sa sakdal na crimes against humanity (krimen laban sa sangkatauhan) na inihain ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa ICC laban kay Rodrigo Duterte at mga kasabwat, Hindi pa tapos iyan. Suspendido lang sa kasalukuyan.” – Ba Ipe

“For the first time, an incumbent president and his political party have no candidate for president. The lack of a succession plan at the start of the election cycle becomes even more glaring in the light of repeated attempts over the years to ensure continuiy for the Duterte brand of leadership: a Congress-led campaign to change the Constitution (failed); the president’s on overtures to the military leadership to form junta (politely ignored); bureaucratic efforts to invoke a ‘revolutionary government’ (stillborn).” – John Nery

“It pays to learn from history . No matter how BBM tries to cleanse the name of his notorious father, he would fail. His father’s has left marks on what he did to the Philippines. Modern history is different because it’s extremely difficult to extinguish those marks…” – Philip Lustre Jr.