Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SA pagpasok ng taong 2022 ay may buwena-manong project agad si Lovely Rivero, ang Mano Po ng GMA-7 na napapanood tuwing 9:35pm, Lunes-Biyernes.
Maituturing na Bagong Taon, bagong blessing sa kanya ang bagong seryeng ito ng Kapuso Network.
Pahayag ng aktres, “Nakakatuwa nga kasi fan ako ng Mano Po movies and noong tinawagan ako for this project ay natuwa talaga ako.
“Actually, my character is a recurring guest role na tatakbo lang ng four weeks but masaya pa rin ako dahil although guest role lang ito, medyo naiiba sa usual na role ko na mabait na nanay na palaging umiiyak.”
Dagdag pa ni Ms. Lovely, “I really wish na makagawa ako ng mas marami pang projects na medyo kakaiba sa usual role na ibinibigay sa akin na nanay na mabait at iyakin ang role. Although, masaya rin naman ako sa role na ganoon, siyempre, gusto ko namang magtaray at mang-api paminsan minsan! Hahahaha!”
Paano niya ide-describe ang kanyang role rito?
“Gaya ng nasabi ko, medyo kakaiba siya sa madalas na role na ibinibigay sa akin lately na nanay na mabait at iyakin. Ngayon may pagkapormal, cold, no non-sense na corporate animal ako rito na fiercely loyal sa amo nya,” tugon ni Ms. Lovely.
Tampok sa Mano Po sina Barbie Forteza, Maricel Laxa, Sunshine Cruz, Boots Anson Roa, David Licauco, Nikki Co, Rob Gomez, Dustin Yu, at iba pa.
“Tapos may mga recurring guests like Robert Sena, Marissa Sanchez, Victor Basa, Marnie Lapus at yours truly, at marami pang iba. At ang gagaling ng directors namin, di matatawaran! Sila Direk Ian Lorenos, na naging director ko rin last year sa Init sa Magdamag at si Direk Easy Ferrer,” aniya pa.
Nagbigay din siya ng patikim sa kanilang serye na palabas na ngayon.
Esplika ng magandang aktres, “Napaka-grandioso ng seryeng ito dahil umiikot ito sa pamilyang Chinese-Filipino na ‘di pangkaraniwan ang yaman at alam naman natin na totoong-totoo ito lalo na sa Philippine setting dahil maraming Fil-Chi families tayo na kilala na ganito.
“So, ‘di lang bongga siya visually, but pati yung cultural aspect ng Chinoys makikita rin natin. So aside from being a visual feast, marami tayong matututunan tungkol sa mga tradisyon at kultura ng mga Filipino Chinese
Marami bang kaabang-abang na pasabog dito?
“Naku, marami talagang pasabog na aabangan. Maraming conflicts na magaganap at siyempre, may nakakakilig din kaya dapat mula umpisa hanggang sa dulo, huwag silang bibitaw,” sambit pa ni Ms. Lovely.