Advertisers

Advertisers

Bangkay ni Nene itinago sa kweba

0 254

Advertisers

Natagpuan nang walang buhay ang 10-anyos na batang babae na nauna nang naiulat na nawawala sa Barangay Maghaway, Talisay City, Cebu city.

Kinilala ni Caballes ang biktima na isang Grade 4 student at residente ng barangay.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Randy Caballes, hepe ng Talisay City Police Station na natagpuan ang batang babae sa kweba sa Sitio Napo, Barangay Tapul sa Talisay nitong Linggo, Enero 9.



Nauna na rin nilang siniyasat ang lugar para magtanong-tanong para sa ikahuhuli ng mga salarin sa krimen.

Ani Caballes, Enero 6 nang humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa pulisya at ipagbigay-alam na anwawala ito noong pang Enero 5.



Kwento pa ni Caballes, naligo umano sa ilog ang biktima kasama ang kanyang kapatid at pinsan nang magpaalam na puntahan ang kanyang ina na naglalaba, 200 metro ang layo sa kanilang pinagliliguan.

Hindi kalaunan, sumunod naman ang kapatid at pinsan ng biktima kung saan naroon ang ina pero wala roon ang dalagita.



Bandang 10:00 ng umaga nitong Linggo nang makatanggap na lang ng tawag ang Talisay police na mayroon namataang bangkay ng babae na itinago sa kweba at tinabunan ng mga bato.

Dito, positibong kinumpirma ng pamilya ng biktima na siya nga ito.

Ayon naman sa ina ng biktima, nakita umano ng mga kapitbahay na may apat na lalaki na may hinahanap sa ilog kung saan nawala ang biktima.

Pinaniniwalaan naman niyang ginahasa ang kanyang anak.

Sa kabilang banda, hindi pa naman ito kinukumpirma ng mga pulis dahil inaantay pa ang medical result.

Humihingi naman ng katarungan ang pamilya ng biktima.