Advertisers

Advertisers

Ex-NPA nilikida ng dating kasama

0 369

Advertisers

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang dating kasapi ng New People’s Army (NPA) nang pagbabarilin ng dating mga kasamahan sa kilusan sa Brgy. Luneta, Barcelona, Sorsogon, Sabado ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Romeo Hapa France, residente ng Brgy. Poblacion Sur.

Sa ulat, 7:45 ng gabi habang sakay ng kanyang tricycle si France at binabagtas ang kahabaan ng highway nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril.



Agad na pinagbabaril ng mga ‘di kilalang salarin na pinaniniwalaang kasapi ng NPA ang biktima.

Duguang bumulagta ang biktima sa ibabaw ng tricycle at isinugod sa pagamutan ng mga rumespondeng pulis pero hindi na umabot nang buhay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">