Advertisers

Advertisers

VP Leni tutol sa utos ni PDu30 na arestuhin ang mga ‘di bakunado

0 525

Advertisers

MARIING tinutulan ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng barangay na arestuhin ang mga indibidwal na hindi pa bakunado.

Sinabi ni VP Leni, bigyan dapat ng insentibo, hikayatin at huwag takutin ang mga unvaccinated individuals upang mas dumami pa ang bilang ng mga bakunado.

Ikinalungkot din ni Robredo ang pagiging kampante ng gobyerno sa mabilis na pagluwag ng restriksiyon na isa umano sa posibleng dahilan kaya tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.



Nitong Lunes, Enero 10, nakapagtala ang bansa ng 33,169 na panibagong kaso ng COVID-19 sa ilalim ng Alert level 3.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">