Advertisers
ISA pang presidential aspirant ang inalis ng Commission on Elections (Comelec) mula sa tentative list ng mga kandidato para sa 2022 election nitong Martes, Enero 11.
Tinanggal si Independent presidential bet Gerald Arcega mula sa updated tentative list ng mga kandidato ng Comelec para sa nalalapit na national at local elections sa Mayo 2022.
Samantala, nananatili naman sa 9 ang bilang ng vice presidential aspirants habang 64 parin ang senatoriables.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang Comelec kung kailan ilalabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa national positions.