Advertisers

Advertisers

PINAS ‘CRITICAL RISK’ NA SA COVID-19

0 227

Advertisers

AMINADO si Health Secretary Francisco Duque III na nasa critical risk na ang Pilipinas dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ito ni Duque sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Duque, kasalukuyang nasa critical risk case classification ang Pilipinas dahil may pagtaas na 690% ang kaso sa seven-day average of daily reporting cases.



Dagdag pa ni Duque, nalagpasan na ng Omicron ang Delta bilang dominant variant sa Pilipinas.

Base ito aniya sa genome sequencing kung saan 60 percent sa samples na nasuri ay positibo sa Omicron variant.



Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, umabot sa 33,169 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala nitong Lunes, Enero 10.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">