Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ng singer-aktres-beauty queen na si Sarah Javier na wish niyang mas marami pang acting projects ang dumating sa kanya ngayong year 2022.
Wika ni Ms. Sarah, “Yes po, sana po tito patuloy pa akong pagpalain this 2022 po, kasi talagang love ko po ang acting at singing. Mula ng bata po ako… at salamat po sa Diyos dahil nakabalik po ako now sa showbiz.”
Matatandaang napanood sa katatapos na Metro Manila Film Festival si Ms. Sarah via Nelia na hatid ng A and Q Productions Films Incorporated nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Honey Quiño, at pinagbidahan ni Winwyn Marquez.
Nagsimula siya sa showbiz bilang member ng Monday group ng That’s Entertainment, mula sa youth oriented show ni German Moreno, sa acting at singing ang tinahak ng career ni Ms. Sarah.
Siya ay nakagawa ng pelikula, teleserye, at isa ring recording artist.
Ang revival niya na Sana Ngayong Pasko originally sung by Ariel Rivera, gave her a nomination from Star Awards for Music.
Naalala namin na sa presscon ng Nelia ay kinanta ito ni Ms. Sarah at napakaganda ng rendition niya nito.
Pagbabalik-tanaw pa niya, “May mga una na po akong single, like Panghabang Buhay by Jimmy Borja, na 17 years old pa lang po ako niyan under Telldem Records po. Nahinto po ako sa showbiz buhat nang nag-asawa ako. Ako po ay kasal na ng 24 long years at may isang anak na 23 years old na graduate na po ng aircraft mechanic. ‘Tapos po bumalik ulit ako sa showbiz noong 2018.”
Incidentally, bukod sa pagiging singer, si Ms. Sarah ay composer din. In fact, may dalawa na siyang na-release na songs, ang Isang Buhay Sa Aking Alaala at Ihip Ng Hangin na already out na sa mga digital platform.
The songs were arranged by Elmer Blancaflor.
“Abangan po sana nila, may mga ilang kanta pa po akong ilalabas at sana ay patuloy po nila akong suportahan,” sambit pa ni Ms. Sarah na sumungkit ng koronang Mrs. Universe Philippines-Visayas bilang pambato ng Cavite, sa nagdaang Mrs. Universe Philippines 2021,
Nalaman pa namin sa kanya na idol niya si Sharon Cuneta sa pag-arte at pagkanta.
“Idol ko po si Sharon Cuneta, kasi bata pa lang po ako siya na po lagi ang pinapakinggan ng mga ate ko at talagang si Ms. Sharon po ang nakalakihan ko na gustong-gusto rin ng mga kapatid ko po. Mapakanta man po iyan o pelikula… nakapila pa po talaga kami basta pelikula ni Ate Shawie. I love her so much po talaga,” nakangiting saad pa ni Ms. Sarah.