Advertisers
KINUHA ng F2 Logistics ang serbisyo ng dating Ateneo standout Dzi Gervacio upang palakasin ang pangkat ng Cargo Movers para sa parating na Premier Volleyball League 2022 season.
Inilantad ng Cargo Movers ang kanilang bagong spikers nitong Lunes na dating ‘Fab Five’ member Dzi Gervacio para makasama ang dating head coach Ramil De Jesus.
Pinapirma rin ng F2 Logistics ang dating NCAA MVP Shola Alvarez, dating Jose Rizal University stalwart na naglustay ng 3 taon sa PLDT.
“Let diversity strengthen this family. Welcome to a team called F2 Family!” Sulat ng Cargo Movers.
Si Gervacio ay bumalik sa indoor scene matapos mag desisyon na mag focus sa beach volleyball sa nakalipas na dalawang taon.
Ang bronze medalist sa 39th Southeast Asian games kung saan nakasama sina Dij Rodriguez,Bernadeth Pons,at Sisi Rondina, Si Gervacio ay huling naglaro sa Perlas Spikers sa 2019 PVL season bago lumipat sa beach volleyball.
Ang 30-year-old opposite hitter ay ka teammate sina De Jesus, middle blocker Aby Marano,outside hitter Ara Galang at setter Kim Fajardo sa unang pagkakataon buhat nang makaharap ang La Salle sa back-to-back UAAP Finals sa 2012 at 2013, kung saan kinumpleto ng La Salle ang kanilang ‘three peat’.
Gervacio at Alvarez ay nakatakdang palakasin ang F2 Logistics wing spikers’ rotation at tapalan ang hindi paglaro ni Kalei Mau sa first conference ng PVL sa Pebrero dahil sa kompromiso sa Athletes Unlimited Volleyball League, na magbubukas sa US sa Marso.