Advertisers

Advertisers

COVID-19 outbreak sa NCR ‘severe’ parin – OCTA

0 55

Advertisers

NANANATILI ang ‘severe outbreak’ ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) matapos na pumalo na sa 118.80 ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa rehiyon.

Ito ayon sa ulat ng OCTA Research Group, na ibinahagi sa Twitter ni Dr. Guido David.

Samantala, ang mga lungsod naman ng Baguio, na may ADAR na 39.48; Angeles, na may ADAR na 26.65; at Santiago, na may ADAR na 25.23, ay nasa ‘mature stage’ naman na ng outbreak.

Tinukoy naman ng OCTA ang mga lungsod ng Naga (24.04); Dagupan (19.00); Lucena (18.95); Olongapo (16.49); Iloilo (15.31) at Lapu Lapu (15.23) na nasa ‘accelerating stage’ habang ang Cagayan de Oro (5.52); Cebu (8.36) at Davao (4.75) ay nasa ‘early stage’ ng outbreak.

Ang naturang mga lugar ay pawang isinailalim na sa Alert Level 3 sa COVID-19 ng pamahalaan hanggang sa Enero 15, 2022. (Andi Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More