Advertisers
INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na mapanganib ang Omicron variant lalo na sa mga walang bakuna laban sa COVID 19.
“While Omicron causes less severe disease than Delta, it remains a dangerous virus — particularly for those who are unvaccinated,” ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Sinabi ni Ghebreyesus, ang nangyayaring global surge ng sakit ay bunga ng Omicron, na sinasabing mas mabilis maihawa kumpara sa Delta variant.
Noong nakaraang linggo, higit 15 milyong bagong kaso ang naiulat sa WHO at hinihinala na milyon-milyon pa ang hindi nasama sa datos.
Samantala, hindi naman sinang-ayunan pa ng ahensiya ang mga suhestiyon na ang Omicron ay ang simula na ng katapusan ng COVID 19.
Pagdidiin ng WHO na kinakailangan pa rin patuloy na mag-ingat sa pakikiharap sa nakakamatay na sakit.