Advertisers

Advertisers

Huwag bastusin ang Senado

0 94

Advertisers

KAILANGANG mag-isip nang maigi ang mga botante upang makapili sila ng mga pulitikong karapat-dapat na maging senador sa susunod na anim na taon.

Ang ihahalal na labingdalawang senador ay silang papalit sa labingdalawa na matatapos ang anim na taong termino.

Mahigit 60 pulitiko ang tumatakbo sa pagkasenador.

Ilan sa kanila ay nahaharap sa kasong “plunder” o pandarambong.

Mayroon namang hindi pa nakakalaya sa kulungan dahil hindi tapos ang mga kaso ukol sa droga.

Pokaragat na ‘yan!

Dalawa ring kandidato ang nauugnay sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Isa sa dalawang ‘yan ay ilang ulit nang natalo sa pagkasenador.

Sa bawat pagkatalo niya ay ipinangangalandakan sa midya na “dinaya” raw siya.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi ba, ulol mag-isip?

Samu’t saring diskarte ang ginagawa ng mga kandidato sa pagkasenador, siyempre, upang magwagi sa halalang isasagawa sa Mayo 9,2022.

Upang hindi maloko ng mga pangako at mga magagarang pahayag ng mga kandidato, suriin at pag-aralang mabuti ang kanilang ipinapangako at inihahayag sa midya.

Tuklasin at alamin ang kanilang rekord upang huwag nang mabastos ang Senado.

Hindi dapat maging senador ang mga mayroon kasong pandarambong, iligal na droga, konektado sa CPP at mga tusong pulitiko.

Kapag nanalo ang mga tulad nila, nangangahulugang pinayagan ng mayorya ng mga botante na muling bastusin ang Senado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More