Advertisers

Advertisers

BoC examiner binaril sa Manila

0 77

Advertisers

Sugatan ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) nang barilin ng hindi pa nakikilang salarin, Biyernes ng gabi sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Ryan Difunturom, BoC Principal Examiner, Section 2, Port of Manila.

Sa ulat, 7:30 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa biktima habang patungo umano ito sa kanyang mga anak sa San Tras Condominium malapit sa Dangwa. St., sa Maynila.

Kasalukuyan naman itong ginagamot sa Manila Doctors Hospital.

Wala pa rin itong kamag-anak na bumibisita sa ospital kaya hindi pa malaman kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo sa pamamaril.

Kamakailan, isa ring opisyal ng BoC ang tinambangan sa Binondo, Maynila habang sakay ng kanyang Toyota Innova.

Masusi namang iniimbestigahan ngayon ng MPD ang sunod-sunod na pamamaril sa mga tauhan ng BoC. (Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More