Advertisers

Advertisers

Bgy. treasurer patay sa ambush!

0 321

Advertisers

Patay ang 36-anyos na barangay official nang pagbabarilin sa bayan ng Lagangilang, Abra, nitong Huwebes ng hapon.

Sa report, hindi pa pinangalan ang biktima na barangay treasurer ng Barangay Lan-ag sa bayan ng Lacub .

Ayon sa hepe ng Lagangilang Police na si Pol. Maj. Harold Alagao, pauwi na ang biktimang nakasakay sa tricycle nang pagbabarilin ng mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay Tagodtod.



Nagtamo ng tama ng baril ang iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima. Sugatan naman ang driver ng tricycle.

Isinugod sa ospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival ang barangay treasurer habang nakaligtas ang driver, na nagpapagaling ngayon.



Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">