Advertisers

Advertisers

Bahay nadaganan ng truck: Mag-ina patay, 3 sugatan

0 53

Advertisers

BACOLOD CITY – Patay ang mag-ina at tatlong iba pa ang sugatan nang madaganan ng truck na may kargang tubo ang isang bahay sa Barangay Antipolo, Pontevedra, Negros Occidental, Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ermie Cordero, 58-anyos; at JR Cordero, 30.

Ayon kay kay Police Lt. Roel Peniero, deputy chief ng Pontevedra Municipal Police Station, mula ang truck sa east direction at papuntang west direction nang mabangga nito ang railings ng daan, ala-1:30 nang madaling-araw.

Dumiretso ang truck sa bahay ng mga Cordero sa kabilang bahagi ng daan at doon na ito natumba.

Dahil sa bigat ng tubo na karga ng truck, napatag ang semi-concrete na bahay kung saan natutulog ang mag-ina at natabunan sila nito.

Maswerte namang nakaligtas ang 12-anyos na si Leona Cordero na nagtamo lang ng menor na sugat, habang nagkataon namang wala sa bahay ang amang Cordero.

Dinala rin sa pagamutan ang driver ng truck na si Henry Salgado, 46, at residente ng Barangay Bi-ao, Binalbagan dahil sa mga sugat na tinamo nito.

Minor injuries naman ang tinamo ng walong taong gulang na batang lalaki ni Salgado na kasama nito sa truck na hahatid sana ng tubo sa central sa lungsod ng La Carlota bago mangyari ang aksidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More