Advertisers

Advertisers

SINO SINA ALYAS JIGZ AT BEBET AGUAS GENERAL VIC DANAO SIR?

0 565

Advertisers

Dalawang palasak at antigong pangalan sa larangan ng pangongolekta ng pamosong “intelihensiya” (tong) ng pambansang kapulisan ang patuloy na umaalingawngaw sa kapaligiran ng Southern Metro Manila.

Ito ay sina alyas JIGZ at BEBET AGUAS na siya umanong may hawak ng lahat ng “kailigalan” d’yan nga sa tinaguriang Katimugang bahagi ng NCR.

Kahit sa panahon ng pandemya at Alert Level 3 ay walang pakialam ang mga nagpapakilalang “alipores” ni General Vicente Danao Jr.



Sa sugal man o mga kilalang club cum putahan, sina JIGZ at BEBET AGUAS pa rin ang nagsisilbing padrino ng mga ulol na “iligalista”.

Sina JIGZ at BEBET AGUAS ang tumatayo umanong “BAGMEN” ng NCRPO at Southern Police District Office (SPDO).

Nasa “protected list” nina JIGZ at BEBET AGUAS ang suki nating night club cum sex den na KING & QUEEN (formerly TITAN Z) na nasa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard, Pasay City.

Ang dalawa rin “pulisan” (pulis na tulisan) ito ang “protector” ng mga sauna bath cum putahan sa nasabing area na patuloy sa kanilang kababuyang operasyon kahit ngayon ngang nasa Alert Level 3 na ang buong NCR dahil sa patuloy na pagkalat ng Corona virus.

Itong sina JIGZ at BEBET AGUAS ay sa pangongolekta ng intelihensiya na tinubuan ng tahid at nakalbo na ang mga bulbol.



Since time immemorial, sina JIGZ na at itong si TATA Bebet ang pambatong KOLEKTONG (kolektor ng tong) ng PNP.

Ika nga, naka-rehistro na sa kanilang institusyon ang pagiging BAGMEN ng kung sino man ang nakaupong opisyal ng pambansang kapulisan.

No exemption kahit sino pang nagbabait-baitang opisyal ang nakaupo!

Sa kaso ng idol nating si Gen. Vic Danao, we can’t imagine na nasisikmura ng mabunying heneral ang mga karakas nitong sina JIGZ at BEBET AGUAS.

Saan mo mang anggulo tingnan, pandurugas at salot talaga sa lipunan ang datingan!

Pero ‘wag ka, marami sa ating mga kabaro at kasama sa hanapbuhay ay kaibigan itong sina JIGZ at BEBET AGUAS.

Kasi daw po, mabait, galante at madaling lapitan.

Madaling kalabitin ika nga.

Etong si BEBET AGUAS nga na taga-diyan lamang sa Barangay ni Kap Ronjay Advincula ng Pasay ay tinaguriang “Darling of the Press”!

Takbuhan at daingan ng mga taga-media!

Hehehe!

Eh di wow!

Ano nga ba ang bago sa dalawang ito at sa mga katulad nina TATA BABY MARCELO at kung sinu-sino pang bantog na KOLEKTONG?

Speaking of KING & QUEEN Club cum kangkangan, eto na ngayon ang number 1 supplier ng mga bilasang babae sa mga manyak na Tsekwa na karamihan ay mga POGO employees.

Para lamang daw pagkain na inoorder sa KING & QUEEN Club ang mga sex workers.

Puwedeng sa loob ng establisimiyento (KING & QUEEN) KAININ at puwede ring ipa-deliver hehehe!

High-tech!

Call & text lang ang datingan!

Ang mga nagsisilbing bugaw ay sina alyas AL at DOMENG!

Ang KING & QUEEN ay pag-aari ng tarantadong si KENJIE AKIBA, isang notorious Japanese YAKUZA member na dito na sa Pinas nagtago at nagsabog ng lagim.

Ofcourse well-connected ang kupal na si AKIBA sa ating mga awtoridad partikular na sa Bureau of Immigration, NBI at sa PNP.

Lahat siyempre ng mga ito ay mga patabaing baboy ng sakang na hindot!

Kasama na dyan itong sina JIGZ at BEBET AGUAS!

By the way,maniniwala po ba kayo mga ka-tropang MARITESS na sa prostitution lamang nakasangla ang kaluluwa nitong si KENJIE AKIBA?

Ang amoy ko,pati ang kinamumuhiang bisyo ng droga ay pasok ang mga hinayupak na ito!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO