Advertisers

Advertisers

Converge balik-serbisyo sa naapektuhan ng fiber cuts

0 56

Advertisers

Balik na ang serbisyo ng Converge sa San Antonio at Magallanes, sa Makati City, makaraang maapektuhan ng fiber cuts bunsod ng ginagawang paghuhukay sa kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

12:47 A.M. ng Jan. 14 nang maputol ang serbisyo ng telco at naibalik din ito ng 7:00 P.M.

Daan-daang subscribers ng Converge ang naapektuhan ng naturang fiber cuts sa kahabaan ng Pasong Tamo matapos aksidenteng tamaan ng ginagawang paghuhukay ng DPWH ang kanilang optical fiber.

Agad namang nagtungo sa site ang teams ng Converge para sa agarang pagbabalik ng kanilang serbisyo.

Bagama’t may ilang lugar pa ang nakakaranas ng connectivity issues, humingi naman ng pang-unawa ang Converge sa mga subscribers nito at tiniyak na agad itong reresolbahin ng kanilang technical team upang agad maibalik ang kanilang serbisyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More