Advertisers
SA muling pagsipa ng hawaan at pagdami ng kaso ng mga nagkaka-COVID-19 dala ng bagong uri nito na Omicron variant, nagpalabas ng mga bagong alituntunin si Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte upang masawata ang hawaan at mapangalagaan ang mga taong nakakuha ng virus sa lungsod.
Sa ilalim ng Memorandum No. 04-22 Guidelines for Community Case Management for COVID-19 Program, nailatag ni Mayor Belmonte ang mga dapat gawin sa mga dapat mag-home isolation para sa mga nakapitan ng virus, asymptomatic man o may mga mild na sintomas gaya ng pangangati ng lalamunan, may lagnat, ubo at sipon.
Ang mga nakasama o mga naging ‘close contacts’ ng may mga sintomas ay kailangan din i-monitor ang kalagayan ng kanilang mga kalusugan habang nagho-home quarantine.
Ang mga indibidwal na kumpirmadong may COVID-19 at kabilang sa mga ‘vulnerable groups’ gaya ng mga matatanda, may mga karamdaman, buntis, mga bata at mga di pa nabakunahan na mayroong ‘moderate’ o malubhang mga sintomas, ay uunahin mailipat agad sa ospital na pag-aari ng lokal na pamahalaan o kaya’y sa mga HOPE Community Care Facilities.
“Naiulat na sa amin na majority ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o kaya naman ay may mild symptoms. Ang mga Jason ganito ay kadalasang nakarerecover sa pamamagitan ng minimal intervention at maaalagaan sa kanilang mga tahanan lamang under proper medical guidance and monitoring,” paliwanag ni Mayor Joy Belmonte.
Ang mga guidelines o mga alituntunin para sa mga magho-home quarantine ay iisyuhan ng home quarantine order ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) at automatikong mabibilang sa Community Case Management for COVID-19 Program at bibigyan ng Home Care Package.
Ang package ay may kasamang homecare Kit, hygiene kit, home care instructions handbook para sa araw-araw na monitoring at food assistance.
Ang mga kasama sa bahay ng pasyente na di pa kumpirmadong may COVID-19 ay bibigyan naman ng basic homecare kit, na naglalaman ng thermometer, face masks, paracetamol, lagundi tablets, ascorbic acid, at home care instructions handbook.
Sa mga nagpapositive sa COVID-19 naman ay makatatanggap ng karagdagang ‘homecare kit for COVID-19 positive patients’ na naglalaman ng alcohol, oral rehydration salts, pulse oximeter, vitamins, at mga gamit para sa adults at kabataan.
“Sa mga kits na ito, Hindi na mag-aalala ang ating mga residente kung paano gagaling. Magpofocus na lamang sila sa kanilang pamamahinga at pagpapalakas, upang masiguro na ang ibang taong nakapaligid sa kanila ay ligtas na sa virus,” paliwanag pa ng Mayora.
Bibigyan din ni Belmonte na ang home care instructions handbook, na pinamagatang “Gabay sa Pagtugon sa COVID-19 Para sa QCitizens” ay may mga impormasyon at mga paalala sa mga nagho-home isolation o quarantine, kabilang ang pagtatala ng kanilang mga temperatura at maging mga contact numbers ng kanilang mga barangays, healthcare facilities, at emergency hotline numbers.
Araw-araw din silang imo-monitor ng city government sa pamamagitan ng teleconsultation via BantAI COVID, o kaya naman ay ng mga health centers at mga ospital na pag-aari ng QC, at kung di man ang mga umiikot na mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Ang Food assistance at iba pang supplies ay ipapadala rin sa mga naka-home quarantine o isolation.
Ang guidelines na inilabas ni Belmonte ay naayon sa inirekumindang panahon nga pagho-home isolation o quarantine na isinasaad ng Department of Health Department Circular No. 2022-0002.
Ang mga indibidwal na nag-positive ngunit mga asymptomatic o nakakaraanas ng mga mild symptoms ay gugugol ng sampung-araw (10) na pagka-quarantine anuman ang status ng kanila bakuna.
Ang mga ‘close contacts’ na mga bakunado na subalit asymptomatic o nakararanas ng mga mild symptoms ay kailangan kumpletuhin ang pitong-araw na isolation. At yaon namang mga di pa bakunado ay kailangan ng 14 days na isolation.
Ang kanilang mga tahanan ay ituturing na nasa ilalim ng Granular Lockdowns o Special Concern Lockdown, kaya’t di sila payagang makalabas.
Ang mga lalabag ay mahaharap saRepublic Act No. 111332 o ang Notifiable Diseases Act at iba pang may kaugnayan na mga batas at regulasyon.
Inaanatay pa ng lokal na pamahalaan ang panibagong kautusan ng DoH sa pagpapaikli ng isolation o quarantine protocols para sa mga bakunado na nagpositibo sa COVID-19 at ng kanilang mga close contacts.
Subalit sa paghimay ng SC First Division sa mga hinihirit ni Pichay’s, mariing nitong kinontra ang mga alegasyon ng lawmaker na nalabag ang kanyang karapatan sa due process, hindi tamang desisyon umano ng Sandiganbayan na mayroong probable cause ang kasong isinampa laban sa kanya, ang pagkakaroon ng right for a speedy disposition of the case, at ang umano’y hindi katanggap-tanggap na hatol sa kanya ng Ombudsman na ‘perpetual disqualification for re-employment in the government service’.
“Under the RRACCS (Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service), the penalty of dismissal shall carry with it cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification from holding public office, and bar from taking civil service examinations,” pagbibigay-diin ng SC further.
Bunsod nito, nalalagay ngayon sa alanganin ang reelection bid ni Pichay bilang kinatawan sa Kamara ng Surigao del Sur 1st. District kung saan kalaban niya sa naturang posisyon sa nakatakda ngayong 2022 elections si incumbent Construction Workers Solidarity (CWS) party-list Rep. Romeo S. Momo, Sr., na dating DPWH Undersecretary.
Ang kaso laban kay Pichay ay nag-ugat sa panahong pinamumunuan niya ang LWUA kung saan pinangunahan niya ang pagbili ng ahensiya ng 445,377 shares ng Express Savings Bank, Inc. (ESBI), na katumbas ng 60 percent voting stock ng huli sa halagang P80-M.
Matapos ang nasabing bilihan, ang LWUA ay naglabas ng Board Resolution No. 303, Series of 2009, na nagtatalaga sa ESBI bilang kanilang depository bank noong August 4, 2009 kaya nagbukas ang ahensiya dito ng savings account na agad ding nilang dinepositohan ng P300 Million, na kinuha muna sa kanilang LandBank account.
“Afterwards, ESBI’s shareholders and directors approved an amendment to ESBI’s Articles of Incorporation (AO), increasing the bank’s authorized capital stock from P500 Million to P2 Billion. On August 17, 2009, before either the Securities and Exchange Commission (SEC) or the BSP could take action on ESBI’s amended AOI, the LWUA Board passed Resolution No. 336 Series of 2009, approving the payment of P400 Million to ESBI, representing LWUA’s subscription in the event that ESBI’s proposed increase in capitalization is approved by regulators,” ang puna ng SC.
“A check was then drawn from the Development Bank of the Philippines (DBP) account of LWUA and deposited in its ESBI current account. However, due to lack of approval from the BSP, the amount of P400 Million was booked by ESBI as a liability under the Accrued Expenses and Other Liabilities account in its balance sheet for the end-year 2009,” dagdag pa ng high tribuna.
Napag-alaman din ng SC, na base sa kasong isinampa laban kay Pichay, sa panahong binili ng LWUA ang controlling shares ng ESBI, ang bangko ay nasa ilalim ng rehabilitation ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaya naman maituturing na disadvantageous para sa ahensiya ang naging P780 Million investment nito,
“In addition, LWUA’s purchase of ESBI shares were not authorized by the BSP and Monetary Board (MB), aside from it violating Section 15 of General Appropriations Act (GAA) for FY 2020 or preventing the use of government funds as investments or deposits to any private banking institutions.” Sabi pa sa SC resolution.
“Ultimately, the absence of the requisite MB (Monetary Board) approval resulted in losses on the part of the government in the total amount of P780 Million. This amount could have been used for other endeavors to help local water utilities.” Paggigiit ng high tribunal.