Advertisers

Advertisers

Mga nasawing pinilit bakunahan dapat sagutin ng gobyerno

0 426

Advertisers

PINIPILIT ng gobyerno ang mga ayaw magpabakuna kontra Covid-19 na magpaturok na, kung hindi sila’y aarestuhin o hindi makalalabas ng kanilang bahay.

Naiintindihan natin si Pangulong Rody Duterte sa kanyang misyon, ang proteksiyunan ang lahat ng mamamayan laban sa mabagsik na virus.

Pero hindi naman lahat ng tao katawan ng tao ay kayang tumanggap ng bakuna. May mga tao na nerbyoso, makakita lang ng karayom ay hinihimatay. At may mga may karamdaman na maaring lalong lumala at kanilang ikamatay kapag naturukan ng naturang bakuna. Kaya nga hindi mabuo-buo ang batas para sa mandatory vaccination.



Kahit sa ibang bansa, kungsaan gawa ang mga bakuna kontra Covid-19, ay walang batas para sa mandatory vaccination.

Kung dito sa Pilipinas ay gawing panakot ang hindi makalalabas ng bahay, hindi makatatanggap ng ayuda, benepisyo o pension para mapilitan magpabakuna ang ayaw magpaturok, dapat may pananagutan din ang gobyerno kapag may nangyari, namatay, sa mga pinilit nilang magpabakuna.



Dapat walang waiver na walang pananagutan ang gobyerno kapag may masamang nangyari sa pinilit nilang bakunahan. Hindi puwedeng wala silang pananagutan. Dahil hindi naman mamamatay yung tao kung hindi nila ito pinilit turukan, right?

Kaya ko nasabi ito dahil marami nang nasawi matapos magpabakuna kontra Covid-19. Ilang kapitbahay ko na sa Tondo ang namatay ilang araw matapos magpaturok ng nasabing bakuna: Yung isang matanda na kagagaling lang mula sa atake sa puso, pinilit magpabakuna. Ilang araw lang namatay. Yung isa naman may cancer, na-chemo na. Naka-recover na, nagda-drive na nga ng pampasaherong jeep. Pinilit magpabakuna, ilang araw lang bumagsak habang naglalakad, pumanaw.



May mga titser at pulis ding nasawi matapos magpaturok, gayung wala silang karamdaman bago sila magpabakuna.

Ang rason dito ng ilang vaccine experts ay iilan lang naman daw ang nasasawi sa pagpabakuna kontra Covid-19 kumpara sa mas maraming namamatay dahil sa hindi pagbakuna. Kagagohan ang ganitong palusot. Kahit isa lang ang namatay dahil sa bakuna ay buhay parin iyon at hindi na maibabalik kapag nawala.

Uulitin ko: Kaya hindi maipasa-pasa ang mandatory vaccination ay dahil walang garantiya na ligtas ang lahat ng babakunahan, at walang garantiya na lahat ng nababakunaan ay ligtas sa virus.

Katulad lamang ng kumare kung duktor na asawa ng isa ring duktor. Pareho silang fully vaccinated. Pero tinablan parin sila ng Covid-19. Ang lalaki naka-recover, ang babae pumanaw. How sad…

Sa tingin ko, ang dapat na ipatupad ngayon ng gobyerno ay ang palakasin ang immune system ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bitamina kesa pilitin magpatutrok ang ayaw magpaturok.

Sa tingin ko itong virus na nananalasa ngayon sa buong mundo ay bunga ng marumi nang mundo, air pollution mula sa mga pabrika.Kasi nga maging mga taga-bundok, mga nasa liblib na lugar, na hindi naman nakikihalubilo sa maraming tao ay nagkakasakit ng Covid-19. Kaya sa tingin ko, dala ng hangin ang virus. What we need are vitamins. Mismo!