Advertisers

Advertisers

Ginang hinoldap habang nagla-live selling ng mga halaman

0 220

Advertisers

Matinding trauma ang dinaras ngayon ng 46 anyos na si Bebiana Manio ng Caloocan City nang mabiktima ng paghoholdup noong January 13.

Kwento ni Bebiana, patapos na sana siya sa kanyang pagli-live selling ng mga halaman, Huwebes ng gabi ng bigla na lamang siyang lapitan ng isang lalaking naka-mask at helmet na may dalang baril.

“Biglang may kumalabit sa akin, ayun na ‘yung nangyari tinutukan niya ako ng baril and then hinampas tapos nabalya ako… Cellphone lang naman ang kinuha niya,” ani Bebiana Manio.



Kaagad na sumakay ang lalaking suspek sa motorsiklo, pero hindi na nakuha pang masundan ito ni Bebiana nang pagsabihan ng suspek.

Ayon sa Caloocan City police, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon, para mahuli ang suspek sa panghoholdup.



Paaalala naman ng mga awtoridad, maging bigilante sa paligid sa paggamit ng cellphone lalo sa pagli-live, para maiwasan ang ganitong insidente.

Sa kabila ng tinamong trauma, ipagpapatuloy pa rin daw ni Bebiana ang pagli-live selling lalo’t malaking tulong ito sa kanilang mga pantustos ngayong may pandemya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">