Advertisers

Advertisers

Nene minanyak ng NCAA coach

0 556

Advertisers

Nahaharap sa mabigat na alegasyon ang isang dating coach ng NCAA nang ireklamo sa pangmomolestiya ng isang dalagita.

Sa ‘Raffy Tulfo in Action’ (RTIA), dumulog ang isang alyas ‘Neneng’ dahil sa umano’y panghihipo sa kanya ni Fernie Donguines, retiradong chess mentor na naging Coach of the Year pa noong NCAA Season 94.

Ayon kay Neneng, nagsimula ang panghihipo sa kanya ni Donguines noon pang 2019, at maraming beses na raw itong ginawa sa kanya.



Ayon sa biktima, nakasuhan na si Donguines ngunit wala pang na-schedule na hearing.

Madalas daw siyang pumunta sa tahanan ni Donguines dahil kaibigan niya ang anak nito, at doon nangyayari ang umano’y pangmomolestiya sa kanya.



Nakuhanan niya ng video ang aktuwal na pangmamanyak sa kanya ng suspek.
Lahad ng ina ni Neneng, maging siya nahipuan na rin umano ni Donguines noong nagtatrabaho pa siya sa kanila bilang kasambahay, ngunit hindi nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong.

“Kuya Fernie, lumabas ka na po. Humarap ka sa ginawa mong kaso, sa ginawa mong katarantaduhan. Maawa ka naman po sa anak ko,” pagsamo ng nanay ng biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">