Advertisers
UPANG mabilis na mapagaling ang tinatamaan ng virus ng Covid-19, inianunsiyo kamakalawa ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso hinihintay lang ang pagdating ng suplay ng anti-viral drug Bexovid – ang unang generic version ng Paxlovid ng Pfizer.
Ayon kay Yorme Isko, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang compassionate special permit (CSP) sa Bexovid para sa mayroong bahagya o magaang sintomas ng sakit na COVID-19.
Pinasalamatan ng 47-anyos na kandidatong presidente ng Aksyon Demokratiko ang FDA sa inokeyang CSP sa Bexovid.
“With the agency’s approval (ng CSP), pwede na natin maibigay sa mga pasyente pag dumating na ang ating advanced order,” sabi ni Yorme Isko.
Inulit ng alkalde na sinomang nangangailangan ay mabibigyan ng libreng Bexovid dahil para sa kanya, ” walang pulitika dito, mas mahalaga ay makapagligtas ng buhay ng tao.”
Ayon kay Yorme, 88 hanggang 89 porsyento na mabilis ang paggaling ng mga tumanggap ng gamot na Bexovid.
Ipinaalaala ni Isko sa mga hindi residente ng Maynila na gustong makakuha ng libreng gamot kontra-COVID-19 na makipag-ugnayan sa Manila Health Department.
Kailangang may dalang reseta mula doktor ang mga nais makahingi ng tabletang Remdesivir, Tolicizumab, Baricitinib atd Molnupiravir – pawang mabibisang gamot kontra sa mga nagkasakit ng COVID-19, sabi ni Yorme Isko.