Advertisers

Advertisers

OFWs MAGPABAKUNA NA KAYO SA MANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL: ISKO

0 299

Advertisers

HINIKAYAT ngayon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na magpunta sa COVID-19 Field Hospital upang mabigyan sila ng libreng serbisyong medikal laban sa pandemya.

Maging ang umuuwing Pilipino na naimpeksiyon ng COVID-19 ay iniimbitahan din ng 47-anyos kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko na magpagamot din sa Field Hsopital sa Rizal Park sa Maynila.

Noong Disyembre 31, 2021, mahigit sa 100 OFWs ang binigyan ng libreng akomodasyon sa Field Hospital, ayon kay Yorme Isko.



“Welcome kayo sa Maynila. We offer it for free. Meron doon naka-aircondition, may hospital beds, may doktor, may nurse, may oxygen, may gamot, tapos may pagkain. Libre chicha 3x a day,” sabi ni Yorme Isko.

Ginawang libre, sabi ng alkalde, para ang naipong salapi ng OFWs ay hindi na “masugatan pa.”



Kung nais na maserbisyuhan sa Field Hospital, ipinayo ni Yorme sa mga OFWs na impormahan ang Bureau of Quarantine (BoQ).

“Sabihin nyo lang sa Bureau of Quarantine na huwag na kayong dalhin sa hotel. Pwede naman kayong mag-request eh. Hanggang kaya namin, tutulong kami,” sabi ni Isko.



Upang mabilis na makatulong sa laban sa pandemya, sa loob ng 52 araw naitayo ang 344-bed capacity Manila COVID-19 Field Hospital.

Niliwanag ni Yorme Isko na kaya sila libreng ipinagagamot sa Field Hospital ay isa itong paraan ng pagpapasalamat sa nagbabalik-bayan at OFWs.

“Bale ito ay aming paraan ng pagsasabi sa inyo ng’Thank You’, kasi, maraming tumulong sa Maynila na mga OFWs at immigrants. Pinadalhan kami nyan ng pera noong araw. Sabi nga, kung anong tinanim mo siyang aanihin mo,”sabi ni Yorme Isko.

Ayon pa sa alkalde, handa nang tumanggap ang Bagong Ospital ng Maynila sa Abril o Mayo ng taong ito ng maraming pasyente na may iba-ibang uri ng sakit at mangangailangan ng operasyon.