Advertisers

Advertisers

Covid update: 32,744 bagong kaso; 16,385 gumaling; 156 nasawi

0 75

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health ng 32,744 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Enero 21.

Samantala ay mayroon namang naitalang 16,385 na gumaling at 156 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.7% (291,618) ang aktibong kaso, 89.7% (3,012,156) na ang gumaling, at 1.59% (53,309) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 19, 2022 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More