Advertisers

Advertisers

TAMANG DESISYON NI PRESIDENTIABLE BONGBONG

0 281

Advertisers

HINDI dapat kumagat sa pain ng kalaban.Karapatan ninuman ang tumanggi sa imbitasyon lalo pa’t ang nag-aanyaya ay suspetsadong ilalaglag siya sa harap ng madla.

Dahil sa angking talino,alam niyang pumosisyon sa lugar ng bakbakan lalo pa’t angat siya sa lahat ng aspeto.Di niya basta papayagang pagtulungan siyang hilahin pababa o makapuntos ng kahit katiting ang mga desperadong kalaban na milya ang hinahabol kakomplut ang dapat ay neutral na tagapamagitan na media pang naturingan.

No way nilang maisahan ang namamayagpag na future na pinuno ng bansa. Di rin siya papagamit upang tumaas ang revenue ng aniya ay biased na ginawang political show kapag siya ay pumayag na mainterview dahil mas maraming alagad ng pamamahayag ang patas at walang kinikilingan ang pagpapaabot ng kaalaman sa taumbayan.



Ang mga galit lang sa hindi kumagat sa pain at malambat sa bitag ay ang mga salot na salungat sa pagsulong at nagpahilahod sa bayan na mga ‘dilawpulapink’ na may itim na budhing masidhi ang pagkagahaman sa kapangyarihan.

Higpitan ang depensa alagaan ang tiwala ng masa.Sigaw ng super mayorya ..bravo manong Bongbong!Oldabest Atty. Vic Rodriguez!



BUKLOD BAYANG MAGILAS( BBM) PILIPINAS TO START THE BALL ROLLING

INILATAG na ang komprehensibong programang pang- matagalang adhikain para sa kapakanan ng minanahal na kababayan mula kalunsuran hanggang grassroot sa kanayunan.



Sa idinaos na organizational meeting ng mga opisyal ng bagong tatag na Buklod Bayang Magilas(BBM) Pilipinas sa pangunguna ni president Rafael Tolentino, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni treasurer Teresita Chee,napagkasunduan na ang paglarga ng mga prayoridad na aktibidades tulad ng reach out program para sa needy at less fortunate na kababayan sa countryside at urban poor,paglikha ng hanapbuhay sa mga proyektong pang- livelihood,arts and sports clinics para sa mga kabataan, mobile clinics sa komunidad,tulong- gadgets sa mga estudyante ,agri-ventures ,kabalikat sa mga small and medium entrepreneurs,pagtulong sa pagsulong ng turismo at ang pakikiisa sa kampanya ( May ,2022 national polls)nina presidentiable Bongbong Marcos at vice presidentiable Sara Duterte.

Pininalisa din sa pulong sa presensiya nina secretary Gilas Simon,adviser Ronnie Palomares,director Danilo Amos,Menchie Salazar at Gomer Medalla, ang pagbubukas ng tanggapan ng bukluran at ang pag- purchase ng service vehicle na magagamit sa mga official na aktibidad ng organisasyon,inagurasyon at blessing ng foundation ng kumpanyang kabalikat ng Buklod Bayang Magilas Pilipinas,ang final design ng ID ng organisasyon para sa lahat ng miyembro nationwide at uniporme na aprubado ng nakatataas pati na ang full swing events ng regional ka- bukluran sa mga natokang opisyal ng bawat balwarte.

Ang iba pa ka- buklod ay binubuo nina Jessielyn Fernando,Melchor Reyes,Arex Anza,Enrique Gavilino,Joel Perpetua,Robert Gustilo( reg.6) ,national adviser Zeus Gonzales kabisig ang PINOLILINO at Perpetua International Holding,Inc.

“ Finally ,we’re on track,we’ll start the ball rolling asap’ mensahe ni Tolentino sa lahat nang ka- Buklod .Ang Buklod Bayang Magilas Pilipinas ay pinagtibay kamakailan bilang lehitimong incorporator ng Securities and Exchange Commission.