Advertisers

Advertisers

7 huling sumisinghot ng shabu sa Pasig

0 324

Advertisers

PITO katao ang nadakip sa aktong sumisinghot ng shabu sa Pasig Ciry.

Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya ang mga naaresto na sina Joaquin Nepomuceno, 46; Michael Hoper, 39, kapwa ng Westdrive, Kapitolyo; Brando Santos; James Marin; Lenilyn Casabal; Roderick Arellano, 39; at Catherine Fandialan, 41 anyos kapwa mga nakatira sa Villa Susana, Brgy., Caniogan sa lungsod.

Dakong 10:00 ng gabi ng arestuhin ng mga awtoridad ang mga suspek sa aktong nagpapalitang sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay sa No. 15 Villa Susana, Brgy., Caniogan, Pasig.



Narekober nina PCpl Jomar Castillo, PCpl Bryan Abude, Pat Ivan Jake Hermocilla, PCpl Jerico Armando Galimba, PSSg Edmon Reyes ng Sub Station 2, Pasig City Police Station, sa mga suspek ang 7 transparent plastic sachet na nalalaman ng droga, strip aluminum foil, water pipe at disposable lighter.

Nauna rito, nakatanggap ang pulisya ng tawag na may kasalukuyang “pot session” ng mga adik sa bahay ng isang James Marin sa No. 25 Villa Susana.



Dahil dito, agad nagrenpondi sa lugar ang mga tauhan ng Pasig PNP na ikinahuli ng 7 suspek.

Kasong paglabag sa RA9165 Sec. 11,13 at 14 artcle ll ang mga akusado.(Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">