Advertisers

Advertisers

2 natusta, 1 sugatan sa live wire

0 313

Advertisers

ILOCOS SUR – Dalawa ang patay habang isa ang sugatan nang makuryente sa Brgy. Amguid, Candon City, Ilocos sur, nitong January 23.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolando Tabuso y Galinato, 72, may asawa, magsasaka; at John Reymart Tabuso y Hufalar, 22, construction worker.

Sugatan naman si Marlyne Tabuso y Mangay-ayam, 42, may asawa, pawang mga residente ng naturang barangay.



Sa ulat, nagsasampay si Marlyne ng kanyang mga nilabhang damit nang bigla itong makuryente mula sa isang live extension wire.

Agad namang sumaklolo sina Rolando at John Reymart pero nakuryente rin ang dalawa.



Isinugod ang mga biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa Salcedo, Ilocos Sur matapos ang insidente.

Gayunman, sina Rolando at John Reymart idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">