Advertisers

Advertisers

Salpukan ng truck at motorsiklo: 2 patay

0 352

Advertisers

Patay ang 70 anyos na lolo at backrider nito nang salpukin ng kasalubong na Cargo truck sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Martin Arpay Aro, 70, ng Barangay Cayamcam, Tungawan, Zamboanga Sibugay; at backrider na si Lonie Marie Ricardon, ng Purok 2, Barangay Cayamcam, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Samantala sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck na si Jayger Ricella Albaño, 28, ng Brgy. Libertad, Titay, Zamboanga Sibugay,



Ayon kay Maj Shellmae Chang spokesperson ng PRO, 7:43 ng gabi ng maganap ang aksidente sa National Highway, Purok 2 Brgy. Upper Tungawan, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Nabatid na sakay si Aro sa isang XRM Honda angkas si Ricardon na binabagtas ang kahabaan ng National Highway at pagsapit sa nasabing lugar nang salpuking ng kasalubong na Isuzu Cargo Truck na minamabeho ni Albano nang mapunta ito sa kabilang linya ng kalsada.



Dahil sa lakas ng pagkakasalpok sa truck, tumilapon ang mga biktima na ikinasawi ng mga ito.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Albaño.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">