Advertisers

Advertisers

Covid update: 15,789 bagong kaso; 32,712 gumaling; 66 nasawi

0 310

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) na umaabot na lamang sa mahigit 230,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa ngayon.

Ito’y matapos na makapagtala na lang ng 15,789 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Miyerkules, Enero 26.

Batay sa case bulletin #683, nabatid na ang Pilipinas ay mayroon nang 3,475,293 total COVID-19 cases sa ngayon.



Sa naturang bilang, 6.6% o 230,410 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso naman, 218,711 ang mild cases; 6,902 ang asymptomatic; 2,982 ang moderate cases; 1,507 ang severe cases; at 308 ang critical cases.



Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng 32,712 bagong gumaling sa sakit.
Sa ngayon, umaabot na sa 3,191,219 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 91.8% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 66 na namatay sa karamdaman, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 53,664 total COVID-19 deaths o 1.54% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">