Advertisers

Advertisers

Duque, Domingo pinakakasuhan na kaugnay sa COVID-19 response

0 154

Advertisers

PINAKAKASUHAN ng Kamara sina Health Secretary Francisco Duque III at dating Food and Drug Administration (FDA) Dir. Eric Domingo.

Ito ay matapos pagtibayin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang rekomendasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability na kasuhan ang dalawang opisyal dahil sa mabagal umanong pag-apruba ng aplikasyon ng mga gamot laban sa COVID-19.

Magugunitang inimbestigahan ng Kamara ang mga polisiya at panuntunan ng DOH at FDA kaugnay ng pagrerehistro, regulasyon, paggamit, paggawa at distribusyon ng mga gamot laban sa COVID-19.



Nakasaad sa report ng komite na sampahan ng kaso sina Duque at Domingo ng paglabag sa Section 4 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713) at Section 38 ng Executive Order 292. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More