Advertisers

Advertisers

DILG sa mga kandidato: BAWAL ANUMANG PHYSICAL CONTACTS SA KAMPANYA!

0 254

Advertisers

BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato hinggil sa iba’t ibang uri ng physical contact lalo at nalalapit ang pagsisimula ng campaign period para sa May 2022 elections.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, anumang physical contacts na lumalabag sa Minimum Public Health Standards ay mahigpit na ipinagbabawal at hindi pinapayagan.

Kabilang sa mga hindi maaaring gawin sa panahon ng kampanya ng mga kandidato at ng kanilang mga kasamahan ay handshakes, hugs, kisses, going arm in arm, pamamahagi ng pagkain at inumin lalo na ang cash.



Partikular na tinukoy ni Sec. Año ang Section 15 ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10732, mahigpit din ito ipinagbabawal sa panahon ng caucus, meetings, conventions, rallies, at miting de avance.

Sa ilalim ng Section 14 sa nasabing resolution, ang mga kandidato at kanilang mga support staff ay mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa mga kabahayan lalo na sa panahon ng house to house campaigning kahit puma-payag pa ang may-ari ng bahay.



Sa darating na Pebrero 8 magsisimula na ang kampanya para sa national candidates habang Marso 25 para sa mga local candidates.

Siniguro ng kalihim na ang sinumang lalabag ay papanagutin sa ilalim ng Omnibus Election Code, kung saan maari silang makulong ng anim na taon at perpetual disqualification from holding public office.



Bukod dito, mahaharap din sa paglabag sa ordinances ng local government units (LGUs) at paglabag sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Sa panahon ng kampanya, binigyang-diin ni Año sa mga local government units (LGUs) na istriktong ipatupad ang Comelec’s campaign guidelines sa kanilang mga respective areas of jurisdiction at agad aksiyunan kung may natatanggap silang mga reklamo.

Nilinaw din ni Año sa Section 25 ng nasabing resolution ang mga barangay officials, tanods (village security officers), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang istriktong magpapatupad ng minimum public health standards sa panahon ng kampanya.

Habang ang Philippine National Police (PNP) ang inatasang magmantine ng peace and order sa panahon ng campaign activities.

Ang pagpapatupad ng mga campaign protocols ay naka-depende kung anong alert level status ang isang lugar.

Ayon kay Año, ang mga lugar na nasa alert level 4 at level 5 ay mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya.

Sinabi pa ng kalihim, para sa mga caucuses, meetings, conventions, rallies, at miting de avance, pinapayagan ang nasa 70 percent operational capacity ng venue indoor or outdoor at allowed ito sa mga lugar na nasa level 1 areas habang 50 percent ang pinapayagan sa mga lugar na nasa Alert Level 2. (Josephine Patricio)