Advertisers
MINASAKER ang mag-iina sa Barangay Upper Hinulugan, San Jose (Carabao island or Hambil), Romblon nitong Miyerkules ng madaling-araw.
Ang mga nasawi ay nakilalang si Welyn Mendoza Tabuna alyas “JB”, 29 anyos, single mother; at dalawang anak na lalaki na edad 6 at 9 anyos.
Ang mga biktima ay may mga matitinding tama ng saksak at taga. Ang ina ay pito ang sugat at ang anak ay tig-4 ang tama. Ipinagpalagay na madaling-araw isinagawa ang krimen dahil sariwa pa ang dugo ng mga ito na nakakalat sa kama.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masinsinang imbestigasyon ang pulisya.