Advertisers

Advertisers

Mga kubol sa Bilibid winasak

0 189

Advertisers

Winalis na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ilang kubol sa loob ng New Bilibid Prison.

Ito’y kasunod ng pagtakas ng apat na preso sa Maximum Security Compound ng Bilibid, kung saan dalawa sa pumuga, nasawi nang manlaban sa mga awtoridad.

Dahilan ng BuCor, hindi na nakikita ng mga prison officer ang ginagawa ng mga preso sa loob ng kubol kaya sinira na ito.



“Nagkakaroon sila ng privacy. Kung may privacy ka, kaya mong gawin ang gusto mong gawin. Puwedeng tumawag ka sa cellphone. Puwedeng mag-shabu ka doon, shabu session,” ayon kay BuCor Director General Gerald Bantag.

Pinayagan noon ang pagtatayo ng kubol dahil sa overcongestion ng mga preso sa Bilibid.

Sa pag-alis ng mga kubol, nakumpiska ng BuCor ang ilang patalim na mula sa mga preso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More