Advertisers

Advertisers

Publiko pinag-iingat sa mga pekeng survey

0 1,918

Advertisers

PINAG-IINGAT ang publiko ng samahan ng mga “politicial analyst at statistician” hinggil sa mga kumakalat na mga pekeng survey sa bansa.

Ayon kay Ralph Rodriguez, tagapagsalita ng grupo dapat ay maging maingat ang publiko at huwag maniwala sa mga “fly-by-night” survey results.

Naging sentro ngayon at usap-usapan ang Pulso ng Pilipino “The Center” o Issues and Advocacy Center sa usaping “political surveys”.



Sinabi ni Rodriguez na ang “The Center” ay isang Public Relations o PR consultancy na pinatatakbo ng isang tao lamang.

“How can you do or conduct political surveys na hindi naman siya eksperto—kung “pr man” ka ibig sabihin nagpapabango ka ng pulitiko,” ayon kay Rodriguez.

Sa pahayag naman ni dating Secretary at Mayor Hernani Braganza, na pamangkin ni dating Pres. Fidel Ramos na walang koneksiyon and dating pangulo sa taong nagpapatakbo ng The Center at lalo na sa kaniyang opisina.

Makikita rin sa mga resulta na inilalabas na survey ng The Center sa mga nakaraang eleksiyon, na palaging palpak.

Ilan dito ay noong 1998 na lumabas sa survey ng The Center na panalo raw si Joe De Venecia, sumunod ay sure winner naman daw si Manny Villar (2010), pero natalo ng malaking margin sa Presidential race.

Maging sa lokal na halalan, si Pres. Duterte at Mayor Inday Sara siguradong talo na raw sa pagka-Mayor at Vice Mayor nuon sa Davao City pero nanalo ng landslide.



“Nababahala kami dahil maaring gamitin ng mga illegal survey group para ikundisyon ang utak ng mga botante. Ayaw natin mangyari yan kaya mag inggat tayo” pahayag pa ni Rodriguez.

Nabatid na ang mga lehitimong political survey firm sa bansa ay ang Social Weather Station (SWS), Pulse Asia, Ibon Foundation, Publicus Asia Inc., RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), Laylo Research Strategies at Philippine Survey and Research Center (PSRC). (Mylene Alfonso)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More