Advertisers
Arestado ang limang katao sa isinagawang buy bust peration ng mga tauhan ng Anti-Narcotics Operatives ng Pdea sa Brgy, Minuyan Proper sa San Jose del Monte City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Arturo Trinos y Albuera, 49; Norilyn Mariano y Bacon, 43; Roselyn Mariano y Bacon, 17; Annalyn Dupra y Bacon, 40; at Sanny Bernardo y Navaro, 46, residente sa nabangit na lugar.
Sa ulat, 4:30 ng hapon ng madakip ang mga suspek sa naturang drug den.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P400,000.00 at drug paraphernalias.
Samantala, paglabag sa Republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.(Thony D. Arcenal)